04.

942 4 0
                                    

Tingin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tingin


Oh Kay ganda ng iyong mga mata aking sinta

Hindi ko ito pagsasawaang pagmasdan 

Kahit na sabihin mong tigilan ko na

Sapagkat ikaw at ikaw lamang ang nais kong matanaw sa malayo o malapit man


Bakit nga ba abot langit ang iyong ganda?

Marahil sapagkat ikaw ay isang anghel nababagay kasama ang mga bituin

Kung gayon palagi akong titingala sa itaas masulyap ka lamang

Maging ang bundok ay aakyatin upang kahit papano ay malapitan ka


Sa iyong mga mata natatanaw ko ang iyong tunay na nadarama

Ikubli man ng iyong mga labi napagtanto ko na ang iyong lihim

Makahulugan at makabuluhan ang nais mong sabihin

Ngunit hindi kayang ihayag gamit ang mga salita


Oh binibini, ikaw ang tanging tanawin na gusto kong makita sa'king pagising

Maging sa'king pagtulog o panaginip

Hiling ko'y ikaw at ikaw pa rin

Hinding hindi magsasawa sa iyong nakahuhumaling na kagandahan


Author's Note:

Photo is not mine. Credits to the righful owner.

Mga Tula sa TalaWhere stories live. Discover now