23.

259 4 0
                                    

Balik sa pagiging estranghero

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Balik sa pagiging estranghero


Sino bang nag-aakalang mabibigyan ako ng pagkakataon

Na ikaw ay makilala ng lubusan at buong-buo

Subalit interes ko sayo'y dahan-dahang naglaho

Nang matantong malayo ka sa'king mga manipestasyon


Naglapit ang ating mga landas

Sa hindi inaasahang engkwentro

Iniisip kung paano ito mahihinto

Upang sa huli'y makilala ang taong para sa iyo, sapagkat hindi ako iyon.


Nais kong iyong matagpuan ang tunay at siyang sayo'y inilaan

Sapagkat sa digmaan hindi ako ang iyong makakasama

Ako'y bahagi lamang ng iyong karanasan

Hindi ang taong handa kang samahan sa pakikipagsapalaran


Author's Note:

Photo is not mine. Credits to the rightful owner.

Mga Tula sa TalaWhere stories live. Discover now