21.

275 2 0
                                    

Isayaw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isayaw


Hibang o baliw bang tawagin kung nais kong ikaw ay makasayaw?

Kahit man lang ilang segundo o maging sa'king panaginip

Hiling ko na balang araw iyong ilalahad ang iyong mga kamay

At abot langit ang ngiti habang sa tugtog tayo'y nakikisabay


Tila isang suntok sa buwan ang lahat sapagkat ako'y hanggang tanaw lamang

Tingin dito tingin diyan na animo'y cctv ng bayan mahagilap ka lamang

Maisayaw mo nga lang ako ay isang himala na

Sapagkat sino nga ba ako na isang taga-hanga? na kailanman tila abo sa iyong mga mata


Darating kaya ang panahon na ako'y iyong mapapansin?

Sabay tayong humalakhak at umiyak

Maabot at makamit ang ating mga pangarap at adhikain sa buhay

Hanggang kathang isip na nga lang ba o may pag-asa?


Author's Note:

Photo is not mine. Credits to the rightful owner.

Mga Tula sa TalaWhere stories live. Discover now