13.

389 3 0
                                    

Paghinto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Paghinto


Titigil ang mundo sa mga pangyayaring hindi mo inaasahan

Iyong tipong magtatanong sa iyong sarili kung saan ka nagkulang

Sinubukan mong lahat lahat ngunit tila hindi sapat

Ibinuhos mo ang kayang isakripisyo ngunit hindi tumatalab


Magulo at hindi maipaliwanag ang buhay

Hindi mo malaman kung anong mangyayari sa susunod na kabanata

Malayong malayo sa mga nais mong mangyari

Malabo pa sa malabo ng iyong mga inaasahan


Mahirap intindihan ang ikot ng mundo

Nakalilito kung tama ba ang landas na tinatahak mo

May mga bagay na kailangang pahalagahan na hindi mo napapansin

Tanong sa sarili kung tama ba ang lahat ng iyong naging desisyon


Sa kabila nito ang buhay ay napakahiwaga

Misteryoso pero punong puno ng mahika

Mahirap hulaan subalit magugulat ka sa tinatago nitong kaluwalhatian

Ngayon, bukas, at magpakailanman ang buhay ay mananatiling makabuluhan


Author's Note: 

Photo is not mine. Credits to the rightful owner.

Mga Tula sa TalaWhere stories live. Discover now