16.

313 2 0
                                    

Angkas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Angkas


Idinaan sa mga mabulaklak na salita ang una nating pagkikita

Dumaan sa puntong ang puso ko'y madali mong nakuha

Tila isang motor na nasakyan ang mga kakaibang trip ko

Kahit na minsa'y magulo at maraming pakulo


Hilig nating libutin ang kasuluk-sukulan ng mundo

Nariyang biglaan o minsa'y planado

Kung saan-saan napadpad

Ngunit hindi nagsasawa na ika'y kasamang lumakad


Napaluluha na lang ako sa ngayo'y sa altar ang huli nating destinasyon

Napakasuwerte na tinupad mo ang iyong pangako

Tunay na iba ka sa lahat ng aking nakilala

Dahil mula noon hanggang ngayon ikaw ang gusto kong kasama sa anumang biyahe ng buhay


Author's Note:

Photo is not mine. Credits to the rightful owner.

Mga Tula sa TalaWhere stories live. Discover now