24.

257 2 0
                                    

Talim ng pag-ibig

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Talim ng pag-ibig


Paano tatakasan at wakasan ang pagmamahalan?

Aanhin ang pag-ibig kung nauuwi sa sakalan?

Unti-unting nanlalamig at puro na lang sakitan

Mga sugat na tila hindi maghihilom kailanman


Bago pa magsimula ang lahat

Nangako kang buhay na langit ang aking malalasap

Subalit taliwas ito sa'king inaasahan

Mistulang impyerno ang aking dinanas


Kapit sa patalim kung tawagin

Kamalasan ang kambal nang ikaw ay mahalin

Sapagkat pinong sakit at pighati ang iyong hinatid

Tila bilanggo sa malupit mong pag-ibig


Nagkamali na ikaw ang pinili

Nagpadala sa mga kasinungalingan mong ngiti

Paano ko ngayon haharapin

Kung ako'y iyong alipin?


Author's note:

Photo is not mine. Credits to the rightful owner.

Mga Tula sa TalaWhere stories live. Discover now