28.

231 2 0
                                    

Piling

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Piling


Nang matagpuan ka'y labis ang aking galak

Pinagtagpong mga landas nang walang balak

Kahulugan ba nito'y pag-ibig?

O isang hamon ng tadhana?


Ipagpaumanhin binibini kung ako'y may nadarama

Ililihim ko muna pansamatala

Sapagkat ako'y nangangamba

Na baka sa isang iglap ika'y maglaho na parang bula


Lumilipas ang sandali at hindi maiwasang 'di mapakali

Napapraning kung hanggang kailan ka mananatili

Minsan lang ako magkaganito ang maramdamang buo

Kaya naman giliw, maaari mo bang sabihin na dito ka lang sa'king piling?


Author's Note:

Photo is not mine. Credits to the rightful owner.

Mga Tula sa TalaWhere stories live. Discover now