15.

329 4 0
                                    

Destinasyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Destinasyon


Sa paliko-liko at lubak-lubak na daan tungo sa pangarap

Patutunayan kung gaano ka karapat-dapat na makamit ito

Susukatin ang kakayanan at abilidad bago marating ang alapaap

Sipag, tiyaga, determinasyon, katatagan at tibay ng loob ang ilalaan mo


Babagtasin ang bundok ng sakripisyo't pagkalulo

Mangangahas na sumuko sa dulo

Ngunit hindi magpadadaig sa takot at biglang hihinto

Tatapusin ang sinimulan kagaya ng isang may salita na tao


Mapapagod ngunit magpapatuloy saan mang punto ng pagsubok

Hahamunin ang may matibay na hangaring maabot ang rurok

Hindi marunong magmukmok sa sulok

Sapagkat pangarap mo ang nakataya at sa iyo'y inaalok


Author's Note:

Photo is not mine. Credits to the rightful owner.

Mga Tula sa TalaWhere stories live. Discover now