30.

225 3 0
                                    

Larawan

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

Larawan


Makulay nating pinagsamahan

Nananatiling parang kailan lang

Salamat sa larawan

Isang kayamanang nagpapanatili ng ating nakaraan


Nakakatuwang isipin na dati ay parang mga batang naliligaw

Ngunit ngayo'y diretso na sa iyo na aking tahanan at pahinga

Ang sarap sa pakiramdam na alalahaning muli

Ang ating pinagdaanan at bumuo sa'ting matibay na pagsasama


Animo'y tanda ko pa ang ating unang pagkikita

Kahit na ilang taon na ang nakalilipas sariwa pa sa'king memorya

Ang kauna-unahang segundo, minuto, at oras na ika'y kasama

Ang kauna-unahang pagkakataong puso ko ay nabihag mo na


Gaya ng larawan na hindi kumukupas sa pagdating ng araw

Pagmamahal ko sayo'y nananatili lumipas man ang araw

Ikaw at ako ay mananatiling magkasama 

Kahit na sa larawan ko na lamang ito minamasdan


Author's Note:

Photo is not mine. Credits to the rightful owner.

Mga Tula sa TalaKde žijí příběhy. Začni objevovat