11.

441 5 0
                                    


Sa'king tabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa'king tabi


Ano nga ba ang mga huling sandali na ikay aking kapiling?

Nariyang nabibingi sa iyong 'di nakakasawang halakhak

Paglalambing mong napahihinahon ang galit kong puso

Napakadali mo lang makuha ang kiliti kung ako'y pakiligin


Hinahanap-hanap ko ang iyong walang katulad na ngiti

Umaasa akong muling masisilayan ang mapupungay mong mga mata

Sabik na akong muling ika'y mayakap at mahagkan

Nais kong maulit muli ang mga panahong ika'y aking kasama


Mahirap ba ang aking hiling na nawa'y bigyan tayo ng isa pang pagkakataon

Nang sa gayon hindi ako nagsisisi hanggang sa ngayon

Sa mga sinayang kong oras at panahon

Na hindi ko namalayang natapos lang ang lahat sa atin ng ganon ganon


Ang ikli ng panahong ibinigay sa atin

Pagiibigang tila isang halik sa hangin

Mukhang isa lang tayo sa mga taong pinagtagpo

Upang malaman na ang mundo ay may ibang plano


Author's Note:

Photo is not mine. Credits to the rightful owner.

Mga Tula sa TalaWhere stories live. Discover now