Chapter 2

4.5K 82 2
                                    

Hang out

Noon, ayaw kong isipin na nag iisa ako sa buhay ko. I wanted to tell myself na andyan si Mom and Dad para sa akin pero sino ang niloloko ko? I tried to convince myself that they love me, pero sila mismo hindi nila pinapakita na mahal nila ako. And I hated myself for being not enough.

Kinuha ko ang cookies sa oven. Naisipan kong mag bake para mawala ang stress ko. Last week pa ako pinalabas ng doctor, sabi niya okay na daw ako pero dapat daw muna akong mag loosen up. Huwag daw ma stress.

Worst part is, pinabalik agad ako nila Mom sa work a day after. Hindi nila ako pinahinga muna saying that I can do that after kong maayos ang problema sa kompanya. And I pity myself for that. No one really cares for me.

Mainit pa ang cookies kaya sinet aside ko muna upang lumamig. Kumuha ako ng tubig sa pitcher at kaagad na ininom. Nasa America sila Mom at Dad, nagbabakasyon. Hindi nila na isip na ako ang dapat na magbakasyon sa lagay ko ngayon, hindi pa ako nakarecover completely. I'm still weak, pinipilit ko lang ang sarili ko. At habang ang anak nila ay puspusan ang trabaho, sila ay nagliliwaliw.

"Hey."

Napatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagdating ni Aiden. Nakatalikod ako sa kitchen stool kaya naman ay hindi ko namalayan ang pagdating niya.

I glared at him. Ngumiti siya at umupo sa stool na nasa harapan ko.

"You're deep in thoughts kaya hindi mo ako napansin," Paliwanag niya. Hindi ko siya pinansin.

Simula nung bumisita si Aiden sa hospital ay palagi na niya akong binibisita. Tinatanong niya kung kunusta ang araw ko, palakwento siya kay hindi ako nabobored pag kasama siya. I'll even pretend na hindi ako interesado sa mga sinasabi niya kahit na sa totoo ay nakikinig ako. Sometimes, I would close my eyes even when he's still talking and pretend that I'm asleep. Ayaw kong maging close sa kanya, I don't want to be attached to him. Ayoko.

Hindi na bago sa akin ang pagbisita niya sa akin ngayon. Sometimes, I would wonder kung wala ba siyang trabaho, kung hindi ba siya busy. Lucky for him, he can go everywhere.

I'm becoming workaholic even if I don't like it, as if may choice ako.

"This cookies tastes so good," Compliment niya habang kagat kagat ang cookies na binake ko. Nanlaki agad ang mata ko at namutla.

Wala pang kahit na sino ang nakatikim sa luto ko or sa pagkaing binibake ko kaya it's awkward for me na siya ang unang nakatikim. Hindi ako sanay.

"You didn't ask my permission to eat my cookie. That's mine," Inirapan ko siya bago bumuntong-hininga at inilagay na sa isang jar ang mga cookies. This is my comfort food, my favorite food na rin.

"Sungit. Greedy," Rinig kong bulong niya. Hindi ko siya pinansin at kaagad na naglapag ng cake at juice sa kanyang harapan.

"Iyan ang kainin mo, si manang ang nag bake niyan, masarap 'yan," Sabi ko.

Sumubo siya ng isang kutsarang cake at kaagad na sumimangot. "Iyang sa iyo ang gusto kong kainin eh."

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Kaitlyn, you are getting it wrong!  That's not what he meant!

"I mean, iyang cookies mo ang gusto kong kainin," Mas lalong namula ang mukha ko. Tumalikod ako at kaagad siyang tumikhim, awkward.

"I-I'm just gonna g-go to my room, gonna do the p-paperworks and stuffs," I tried to act normal pero hindi pa nawala ang hiya ko. Damn, I'm stuttering.

"Okay, aalis na din naman ako, I'm just checking if you're okay," He smiled. "Masarap ang cookies mo, patikimin mo ako next time ha?" This time, he smirked, he's mocking me. I can see the playfulness in his face and voice.

I glared at him and he raised his arms.

"What? Did I say something wrong?" Tumawa siya kinurot ang pisngi ko. "You're cute when you're embarrassed, darling."

Tumalikod na ako bago niya makita pa ang reaksyon ko sa sinabi niya. My heart beats fast and I felt my cheeks burning. I felt nervous, I've never been like this before.

Damn, Aiden.

I've never had a boyfriend before. Kahit manliligaw, wala. Binabakuran lagi ako ni Mom and Dad, hatid sundo sa skwelahan kaya naman bawal akong lapitan ng kahit sino, mapababae man o lalaki. Kahit sa school ay may bodyguards ako. It's suffocating and embarassing. I can sometimes hear my classmates saying na sobrang OA daw ng parents ko.

Wala akong friends, pag may group projects, I would always ask the teacher kung pwede bang mag independent, syempre, ayaw pumayag ng teacher kaya wala akong choice kundi mag cooperate sa group works kahit na sobrang out-of-place ko na. Minsan, pinariringgan nila ako na suplada daw at anti-social, if they only knew how much I wanted to have friends, ayaw ko lang talagang ma attach sa kanila dahil alam kong hindi ako papayagan nila Mom and Dad.

Swerte ako at summer ngayon, hindi ako masyadong busy sa school. Hindi pa ako nakapag enrol dahil busy ako sa pag cope up sa trabaho. Maybe, uutusan ko nalang ang secretary ko na siya na magpaenrol sa akin.

Sa totoo, ayaw kong mag aral muna dahil hindi ako makakapagfocus sa company, at sigurado akong magagalit na naman si Mom at Dad. Ilang beses na nila akong gustong hindi na pag aralin dahil gamay ko na ang pamamalakad ng company namin. But I begged them to let me study, I don't want to limit myself with just learning this how our business works, I wanted to learn more. Luckily, they let me continue my studies and finish college.

"Hello, Alyana," Pormal kong sabi sa telepono.

"Yes ma'am, what can I do for you?" Tanong niya. Nasa early thirty's na si Alyana pero maganda parin siya. She's very responsible and very friendly.

"I want you to enrol me, hindi kasi ako makakapagenrol ngayon, busy ako, I will just send you my files, thank you."

"Yes ma'am. Welcome."

Tinapos ko ang tawag at inemail ko ang files ko kay Alyana gaya ng sinabi ko.

I scrolled into my messages when something caught my attention.

Unknown number:

Hey, Kaitlyn. Si Aiden ito. Busy ka?

Kumunot ang aking noo habang tinitignan ang text niya. Now what?

Me:

Kind of. Why?

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya nag reply.

Aiden:

I just want to hang out with you, kaso busy ka.

Hang out? I've never experienced that.

Me:

Okay. Where?

Aiden:

Don't worry about it, I'll fetch you later, 3 pm.

This is just a 'hang out' pero I still feel so nervous. First time ko itong lumabas kasama ang isang lalaki. And it's awkward for me.

I have many clothes. Many, many clothes. Pero for the first time, hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. I kinda wanna impress him. And I don't know why.

Runaway Bride//COMPLETEDWhere stories live. Discover now