Chapter 25

2.8K 67 3
                                    

Together

"Where do you want to go?" Tanong ni Aiden sa akin. Kinuha niya ang paperbag na dala-dala ko kanina.

"Mag lunch na muna tayo."

"Okay," Suminghap siya at sumunod sa akin.

Kanina pa ako nagugutom kakahintay kung kailan matatapos si Zenaida sa pagpili ng kanyang susuotin.

All eyes were on us when we decided to look for a restaurant. Kilala siguro nila kami at alam nila ang issue sa aming dalawa five years ago. Mosty, babae lang ang lumilingon sa amin, so I think, mga admirers lang iyon ni Aiden. Tss.

"Libre na kita," I told him when we entered the restaurant. He laughed and shook his head.

"You're hurting my ego, I won't let a girl pay for me."

I just shrugged and rolled my eyes. Okay. It's his choice.

Pinili ko ang upuan na nasa pinakadulo, sumunod naman siya. I don't want to get everyone's attention, lalo na at si Aiden ang kasama ko ngayon. Gusto ko ng atensyon pero hindi ngayon ang tamang panahon para magpasikat.

"What do you want to order, Ma'am, Sir?"

Nagulat ako ng si Patricia ang waiter na lumapit sa amin. Siya ang ibig sabihin ni Tita Alina, siya ang gustong ipakasal ni Tita Alina kay Aiden! So, she's not rich?

Nagulat din siya ng nakita kami. She's pretty, nakabun ang buhok niya at kahit walang make-up ay kitang-kita ang ganda niya. Tinaas ko ang kilay ko kay Aiden ng titigan niya ako.

Yumuyuko naman si Patricia sa harap namin habang naghihintay sa order namin.

Tinanggap ng pamilya ni Aiden si Patricia kahit hindi ito mayaman, siguro napakabait niya para tanggapin siya ng ganoon ng pamilya niya.

Naguilty tuloy ako sa inasal ko sa kanya noong first meeting namin. I shrugged my thoughts, hindi kailangan ako magpapaapekto sa presensya niya.

"Carbonara lang sakin, how about you?" Tanong ni Aiden at siniplatan akong titig na titig pa din kay Patricia na parang natatakot sa akin.

"Spaghetti lang, at isang french fries, ramihan mo ng sauce."

Dali-dali siyang umalis. Huminga ako ng malalim bago bumaling kay Aiden. Inirapan ko siya ng ngumisi siya sa akin.

"You're scaring her."

"So?" Niinis na tanong ko.

"You're so cute when you're jealous, Kaitlyn," Uminom siya ng tubig at humarap sa akin, hindi pa din mawala ang ngiti sa labi. "Patricia's just my friend."

Just your friend, my ass. "I don't care. At isa pa, I'm not jealous, for your information, mister."

Humalakhak siya. "Yeah. You're not," Sabi niya na parang tinutukso ako.

Naiinis na talaga ako sa kanya. Wala siyang ibang ginawa kundi tuksuin at inisin ako. He's a C.E.O. of his own company tho, why would he waste my time for me?

"Wala ka bang trabaho ngayon?" Tanong ko, trying to make a small talk. Awkward naman kung tahimik lang kaming dalawa dito.

"Day-off ko," He said. "What about you? Walang trabaho?"

"Yes," Tumango tango pa ako. "Anyways, your mom visited me yesterday."

There's no point of hiding everything. I just want him to know what's the opinion of his mom about me. I just want to tell him that his mom doesn't approve me to be his wife, kung sakaling tatanggapin ko iyon.

Runaway Bride//COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin