Chapter 20

2.8K 71 2
                                    

Iwas

For 5 years, I've gone through so much pain. Seeing Aiden's rumored girlfriends, photos of him going out with his dates, it was really painful. Nagagalit ako sa kanya, bakit niya ako pinaasang mahal niya ako pero hindi naman pala totoo?

Going to school was also stressing, maraming mata ang laging nakamasid sa akin. May ibang nagbubulong-bulungan at nanghuhusga. I don't care tho. I don't care about them. Their judgements are not important to me.

Bumaba din ako sa posisyon ko, more like, tinanggal ako ni Dad sa pwesto, hindi na ako ang CEO ng kompanya, nasa kasunduan kasi na pwedeng pwede akong tanggalin ni Dad sa posisyon kung gusto niya. He took over the company. Wala akong magagawa. I need to let go. Napamahal na ako sa kompanya pero I need to go down. Kailangan ko na din sigurong mag focus sa pag-aaaral.

Personal Assistant ko pa rin naman si Zenaida, hindi naman kasi ako pinagbawalan nila Mom at Dad sa pera ko. Actually, that was my own money kaya hindi sila nangingialam. Iyon ang mga naipon ko sa tatlong taong pagtratrabaho sa kompanya bilang C.E.O..

Kahit saan ako pumunta ay palaging may nakakakilala sa akin. Lagi nila akong tinatapunan ng mapanglait na tingin. I will just roll my eyes at them and walk with my head high.

Nag-iba din ang pananaw ko sa mga bagay. Kung noon ay ayaw ko sa malalaking crowds, ayaw ko sa attention, ngayon ay interesado na akong pumunta sa mga events. Nakaka excite kapag makita mo silang nakatingin sa iyo dahil sa entrance mo. During parties, lagi akong nagpapahuli dahil gusto kong nasa akin ang attention ng lahat.

During Friday nights, lagi akong lumalabas mag-isa, umiinom. Hindi naman ako nagpapakalasing, iyong sakto lang para makapag drive pauwi. I just wanna dance and mingle. That's all.

Unti-unti na din namang naka move-on ang mga tao sa nangyari. Well, they must be, nakamove on na nga ako, sila pa kaya? Para namang sobrang affected sila sa nangyari, eh ang ginawa lang nila ay magkalat ng fake rumors.

Of course, I've already moved on, pero ang feelings ko para sa kanya ay nandoon pa. Hindi kasi madaling maka move on especially if first love mo.

But I'm here right now, I've moved on. I admit, my feeling for him was so strong, it cannot be easily forgotten. Bata pa ako nun kaya wala pa akong alam sa love. Ang alam ko lang ay mahal ko siya at mahal niya rin ako. I never knew what love was, kaya madali akong naloko. Akala ko, mahal na mahal niya ako, kasinungalingan lang pala lahat iyon.

Let's not dwell so much on the past. It was already forgotten.

"Ma'am. Nandito si Mr. de Leon, gusto ka niyang makita, papapasukin ko po ba?," Sabi ng aking secretary. She's new. Nag resign na kasi si Alyana dahil may asawa na ito. Good for her.

He's still the same, he won't still barge into my office without asking for my permission. But I'm not the same young Kaitlyn anymore.

"Tell him, I'm busy."

That's not a lie. Sobrang busy talaga ako sa mga paperworks na ginagawa ko. Pero, even if I'm not busy, I would not let him see me, ayaw kong makita siya.

"5 minutes lang, please, Kaitlyn," Boses na ngayon ni Aiden ang nasa intercom.

Umirap ako at bumuntong-hininga, "Magpa appointment ka muna, I'm busy."

Narinig ko ang buntong-hininga niya sa intercom. Naputol na din ang tawag. Psh.

I don't really care if I sounded rude, ayaw ko lang talagang mapalapit pa sa kanya. I don't want to hurt myself anymore. Ayaw ko ng maranasan pa ang sakit na naranasan ko five years ago.

Runaway Bride//COMPLETEDWhere stories live. Discover now