Chapter 19

2.5K 69 3
                                    

Fooled

That was 5 years ago. Nag iba na ang ihip ng hangin, iba na din ako ngayon. I don't want to cling unto the past forever, that's not worth my time. Wala na akong ibang kailangang isipin kundi ang company. Time changed, feelings changed, everything changed. I am not that old Kaitlyn anymore.

"Kaitlyn, sure ka bang hindi ka papayag na magpakasal ulit kay Aiden? Baka naman ay matatama mo na ang pagkakamali mo ngayon," Bungad ni Zenaida sa akin ng pumasok siya sa pinto ko. Alam ni Zenaida ang rason kung bakit ako umalis.

"I will never ever accept him in my life again, Zen, wala na siyang lugar para sa buhay ko."

He tricked me. I fell into his trap. He didn't love me, and it was very much painful because those words came straight from his mouth. All I did to sacrifice, all he did was to play with my feelings.

Tumakbo ako at nagtago sa bahay nila Zenaida, I planned to stay here for a week. Ng dumating sila sa kanilang bahay ay nagulat sila dahil nandoon ako. I explained to Zenaida everything, siyempre sa kanya lang, Zenaida never told anyone about it. I trusted her to keep all my secrets.

After a week, I went back to our mansion only to be welcomed by my mother's slap. Sobrang lakas ng pagkasampal niya sa akin. Sa loob ng 18 years, ni isang beses hindi pa ako nasampal ni Mom, ngayon lang.

"What have you done, Kaitlyn? Are you out of your mind?!" Galit na galit siya habang sinisigawan ako. Nasa likod niya naman si Dad na pinipigilan siya. Hindi ako tinignan o nilingon man lang ni Dad. Sobrang sakit. I expected this to happen pero sobrang sakit pa din.

"I-I'm sorry," Umiiyak ako habang sinabi iyon. "I-I have to do that, I'm sorry," Iyan lamang ang paulit-ulit kong sinasabi sa kanila.

Sinampal ulit ako ni mom sa kabilang pisngi. "Wala kang utang na loob! Pinalaki ka namin ng maayos, at iyan ang igaganti mo?"

Humikbi ako. Hindi niyo ako pinalaki ng maayos, you only gave me my needs and my wants, but as a parent, you never gave me your attention and love. Hindi ako nagsalita. Useless ang pageexplain ko, their minds are closed, kahit na anong explanation ko ay hindi ko mababago ang isip nila.

"At may gana ka pang umuwi dito pagkatapos ng lahat? How dare you!" Sigaw ni Mom. Pinigilan siya ni Dad dahil sasampalin na naman niya sana ako.

"Forgive me, Mom, Dad, I'm sorry," Lumuhod ako sa kanilang harapan. Sa loob ng 18 years, hindi ko sinuway ang mga magulang ko sa kung anong gusto nila, ngayon lang. I felt bad for doing this. I felt sad for disappointing them.

"Go to your room. I don't want to see you here," Mababa ang boses ni Dad, seryoso siya at nakakatakot ang kanyang expression sa mukha. Hindi ko pa nakita si Dad na nagalit sa akin, ngayon lang.

I nodded silently. Tumalikod ako upang pumunta sa room ko. I expected this to happen, I expected Mom and Dad to be like this.

I logged into my fb account. It's been a week since the last time I logged in. May ibang mga babaeng nag memessage sa akin saying mean things, baka ng fangirls ito ni Aiden. Bumasa din ako ng mga articles about sa pagback out ko sa wedding. May ibang haka-haka na baka raw hindi pa ako handa, may iba namang nagsabing may ibang lalaking involved. Rumors.... Rumors.... They are spreading lies.

Kahit na ganito ang kinalabasan ng ginawa ko, I didn't regret doing it. Atleast, safe si Aiden, it's all that matters to me. Kahit anong batikos pa ang ibabato sa akin, it's okay as long as he's okay.

3 days after the wedding, in interview si Aiden, tinanong siya sa opinyon niya tungkol sa pag alis ko. He didn't answered. Sinabihan niya lang ang mga tao na huwag gumawa ng tsismis at ang lahat ng rumors ay hindi totoo. He even defended me kahit na hindi na kailangan. He told the press na walang third party na naganap. He looked okay without me, tho.

Runaway Bride//COMPLETEDWhere stories live. Discover now