Chapter 24

2.8K 71 1
                                    

Stuck

Hindi ako mapakali. Parang may nagawa akong kasalanan. Basically, hindi ko naman nabastos si tita Alina, she started it first, tinapos ko lang. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Baka dahil sa pinakaunang panahon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsalita. Kasi kahit na nagbago na ako, nananatili padin akong walang imik, I don't usually want to fight back. Nagsasayang lang kasi ako ng oras kapag ginawa ko iyon.

Hindi ko naman inaway si Tita Alina, sinabihan ko lang siya. Alam kong masama iyong mga nasabi ko pero it's not right to talk back. Siya naman ang nanguna, she was the one who threw some hateful words to me, nagtitimpi lamang ako pero hindi ko na talaga mapigilan.

Hindi naman ako nasaktan sa sinabi niya, the hell I care about it, hindi naman iyon ang katotohanan. Talagang ayaw ko lang iyong minamaliit ako. And besides, I just want to prove a point.

I don't want to be judged by someone na hindi ako kilala. Even my parents don't know me, ako lang ang nakakakilala sa sarili ko. Ako lang ang may alam ng strength and weaknesses ko. Wala nang iba.

I'm not scared of her pero sigurado akong isusumbong niya iyon kina Mom at Dad, at doon ako natatatakot. I don't want to disappoint them once again. Once is enough, iyon na ang huli. That mistake I did years ago will never be repeated.

Limang araw nalang at kaarawan na ni Aiden. Ito ang unang pagkakataon kong pumunta sa birthday party niya. Noon kasi, hindi ako interesado, at tsaka ayaw ko siyang makita. The De Leon's are said to have the grandest parties of all time.

Pupunta ako, pero hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko sa kanya. He already have everything in life. He's rich, and those material things won't make him happy anymore. Kay hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko. Ang awkward naman kasi kung pupunta ako na walang bitbit na kahit ano, for sure, the media will be there to cover that event. Ayaw kong magdulot na naman ng kahihiyan sa pamilya ko.

I asked Zenaida to come with me. Baka may mangyaring masama, nandoon siya since I'm alone, Mom and Dad can't attent the party. And I am left alone with Aiden's family especially Tita Alina and ate Aliyah. Gusto kong may kasama ako para may mapupuntahan, kung sakaling may masamang mangyari, o mapahiya ako.

"Eto, Kat?" Umikot pa si Zenaida para ipakita sa akin ang dress na sinukat niya. Not bad.

Nag shopping kami para sa susuoting dress para sa party ni Aiden. Ayaw naming mapahiya doon, I want to look elegant, and well, fashionista as usual. Maraming guest ang dadalo diyan kaya naman kailangan kong magpaimpress.

Ang sinukat niyang dress ay isang silver puffy dress, hanggang tuhod lamang ang sukat nito at kitang-kita ang cleavage niya. That's what I envy about her, she has a thick boobs and also a thick butt. Coca-cola body ika nga. She's pretty, but the puffy dress doesn't suit the event.

"Wear something sexy and elegant, Zen. Silver din, kasi iyon din ang kulay ng dress ko," I want to match outfits with her, bakit ba? Wala lang.

Silver and gold ang motif ng event. Usually, people would prefer gold over silver but for me, I want silver more than gold. Why? Wala lang din.

"Eto kaya, Ma'am," Sabi ng saleswoman na nag-aassist sa amin. She showed us a very short dress, fitting ito at silver ang kulay. I shook my head in disapproval.

"We're going to a party, not a bar."

Nahihiyang ngumiti ang saleswoman at hindi na ulit nagsalita. I lazily got up from my chair and put the magazine down.

Pumunta ako sa rack na puno ng silver dresses upang pilian si Zenaida. Nasa likod ko naman siya, sumusunid kung saan ako pumupunta. Isang oras na kami dito, nakapili na ako ng susuotin, siya hindi pa.

Runaway Bride//COMPLETEDWhere stories live. Discover now