Chapter 3

3.9K 83 1
                                    

Darling

I felt anxious. I never felt like this before. Kahit anong suotin kong damit ay babagay sa akin. I have a curvy and fit body kahit hindi ako nag gigym. But for the first time, I felt ugly...

Makalat na ang room ko dahil sa mga dress na sinukat ko. Parang hindi ako makuntento sa mga damit na sinusukat ko. If only I could just shop right now and find a perfect dress.

Seriously, Kaitlyn? Calm down. This is just a hang out! Wear something comfy.

Bumuntong hininga ako bago kinuha ang isang high-waisted jeans at isang cropped top. I matched it with a white sneakers. Ganito nalang siguro. This is not a date. I need to calm down.

Tinignan ko ang cell phone ko at nagpanic ng makita ang oras, 3:05. Late na ako ng five minutes!

May isang text din doon si Aiden.

Aiden:

I'm inside your house. I'll wait for you.

Nakonsensya ako. Pinaghintay ko siya! I heaved a deep breath before going out of my room.

Calm down, Kaitlyn. It's just Aiden. Just Aiden. First time kong lumabas kasama ang isang lalaki tapos late pa. Tsk.

Hindi ako 'yong tipong malisyosa. Lumaki akong walang pake sa piligid ko, I only focus on things that I wanted. I always have a plan, I always wanted to work things my way, I don't want to fail. And now, for the first time, wala akong plano.

I know that Aiden is doing this just to please my parents, or his parents. He is just doing this for himself, may pinapatunayan siya. At kung ano man ang ginagawa niya ngayon, hindi iyon dahil gusto niyang mapalapit sa akin, he is just using me as his own advantage. I knew that, at tanggap ko ito. I never knew that I would let a guy use me for his own benefit.

Noon, I would always tell myself to go against my parents when they will let me marry for business. Ngayon, nagtataka ako kung bakit hindi ko magawang ihinto ang engagement namin.

Am I starting to like this arrange marriage? No way.

Ngumiti si Aiden ng makita akong pababa ng stairs. I just watched at him, without showing some expression. He's wearing a khaki shorts, a black hoodie, and a vans. Simple lang ang suot niya pero nag uumapaw ang pagiging makisig. I would not be surprised if the girls will drool over him later.

"Let's go?" Hindi pa din napapawi ang kanyang ngiti. Kitang kita ang mapuputi niyang ngipin. This guy is seriously blessed. Nasa kanya na siguro ang lahat.

Ang dami ko nang compliments na binigay sa kanya. Tsk. I am starting to get crazy.

Lumabas kaming dalawa sa mansion at nakita ko doon ang nakapark niyang Ferrari 458 Italia , this guy has good tastes. And that car is freakingly cool, and it's very, very expensive.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at kaagad ding pumasok.

"Where are we going?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Secret," Aniya. I glared at him. "Chill. Hindi kita ikikidnap for ransom, malalaman mo din pag nakarating na tayo doon."

Kidnap for ransom? Seriously? I heard, mas mayaman pa daw sila sa amin. So, no, kidnap for ransom is not in the option besides, he doesn't need to do that, anyway, mayaman na sila.

Mabilis niyang pinaharurot ang kanyang magarbong sasakyan pagkatapos kong mag seatbelt. I almost screamed, racer ba siya? Ang bilis niyang magpatakbo ng sasakyan.

And he's very hot when he is in focus..

Namula ang pisngi ko sa inisip ko. What the heck are you thinking, Kaitlyn?

"You're cheeks are burning red. Are you okay?" He squinted his eyes as he looked at me. Kaagad akong lumingon sa labas para hindi niya makita ang mukha ko.

"Keep your eyes on the road, Aiden."

He let out a soft chuckle and says, "Okay, darling."

Mas lalong pumula ang pisngi ko sa sinabi niya. Darling? Darling?

Don't assume, Kaitlyn. Baka ginigoodtime ka lang niyan. I tried to calm myself down. Kailangan kong ipakita sa kanya na hindi ako apektado sa sinabi niya.

Nakarating kami sa isang mataong lugar. Maraming mga tents, at may mga sumisigaw na tindera. They are trying to persuade the people to buy their product. Mayroong iba't-ibang produkto na makikita ko doon, including food, of course.

"Ineng! Bumili ka na nito, pang lucky charm to oh!" Rinig kong sigaw ng isang tindera habang pinapakita ang isang kwintas na heart ang pendant.

I've never been in this place before. Naninibago ako sa atmosphere. It feels so lively. May mga banderitas ding nakasabit sa itaas ng mga tent. At mga fairy lights naman sa ibang tent.

This place is cool. Maraming tao pero hindi ako naiingayan. I feel like I belong here.

Namamangha akong tumitingin sa paligid na hindi ko namalayan si Aiden na tumititig sa akin. I looked at him and met his captivating eyes.

"You look amused, is this your first time, Kaitlyn?" Tanong niya habang ngumingisi.

Tumango ako at pinagmasdan na naman ang paligid. Doon ko nakitang may amusement park pala na malapit lang dito. Excitement pumped up my whole system. I've never been in an amusement park before also.

My eyes glittered in amazement as I looked at everything. This place is wonderful.

"You look excited. Let me show you around," Sabi ni Aiden at hinawakan ang kamay ko. Babawiin ko sana ito ng magsalita siya. "Huwag ka ng pumalag, baka mawala ka dito, maraming tao."

I didn't say a word. Sobrang bilis ang tibok ng puso ko. First time ko itong makipag holding hands sa isang lalaki.

"Dito ako usually pumapasyal kapag bored ako," Aniya at itinuro ang isang tent. "Nandoon ang paborito kong pagkain, gusto mong tikman?" Tanong niya na hindi pa din napapawi ang nga ngiti.

"Sure!"

Pumunta kami sa isang tent na puno ng tao, nakita ko ang dalawang mag asawang busy sa pagluluto ng mga pagkaing ngayon ko lang nakita.

"Ang tawag sa mga iyan ay street foods. Here, eat this," Sabi niya at sinubuan ako ng isang bilog na pagkain. Nginuya ko ito at napangiti. It's delicious.

"Ang tawag diyan ay fishball, masarap?"

Tumango ako at kumuha pa ng isa. Masarap nga.

"Alam ko na pala kung paano ka papangitiin, bigyan ka lang ng fish ball," Natatawang sabi niya at kaagad ding sumubo ng isang fish ball.

So, dito pala pumapasyal ang isang Aiden De Leon. The millionaire businessman is fond of going to amusement parks and eating street foods. I'm... Amused.

"Do you like the foods?" Tanong niya habang papunta kami sa amusement park na malapit lang sa mga tents.

"Of course, thank you."

"No problem, dadalhin ulit kita doon next time," He smiled.

Papalubog na ang araw at nagiiba na ang kulay sa kalangitan. I looked at my wrist watch, it's already 6:00 pm. Marami pa kasi kaming pinuntahan pagkatapos kumain ng street food.

This day is simply the best. I got the chance to come out of my comfort zone.

"Have you been to an amusement park before?"

"Hindi pa," Mahinang sambit ko, nahihiya akong ipaalam na hindi pa ako nakakapunta kahit saan except sa mall, kapag nagshoshopping ako.

"Then, from now on, I will be your travel buddy. Pupuntahan natin ang lahat ng lugar na hindi mo pa napuntahan. I will be your guide, darling."

Darling....

It sounds so good.

Runaway Bride//COMPLETEDWhere stories live. Discover now