Chapter 9

2.7K 57 3
                                    

Party

Alas kwatro ako nagising. Hindi naman kailangan na sobrang aga talaga ang gising ko dahil one ride lang ang school namin. Pero kailangan pa din maaga dahil susunduin ako ni Aiden.

Hindi na ako nagpaalam kina mom and dad about sa party mamaya wala kasi sila dito. Kumakain ako ng breakfast ng dumating si Aiden. Naka uniform na din siya. Napakagwapo niyang tignan sa uniform namin. Litaw na litaw ang kagwapuhan niya.

"Morning!" Bati niya habang nakangiti.

"Morning. Nakapagbreakfast kana?"

"Yeah. I'm done."

Tumango na lamang ako at kumain. Hindi ko na sasabihin kay Aiden ang party mamaya, I'm sure alam na niya iyon. Kailangan ko ring maagang umuwi mamaya dahil kailangan kong mamili ng susuotin sa party. I don't want to look so out-of-place later. I want to blend in, kahit first time ko pa iyon.

Ako na din ang magdradrive papuntang bar. I don't want to depend on Aiden so much. I am an independent woman, I should stay like that.

"Let's go?" Yaya ko kay Aiden.

"You done?" Tanong niya at kinuha ang bag ko mula sa akin.

He seriously doesn't need to do that. I can carry my bag myself, hindi naman mabigat.

"Ako na," I insisted. Kukunin ko na sana ang bag ko mula sa kanya ng itinaas niya ito kaya hindi ko naabot.

I groaned. "Please. I can carry my own bag, I am not impaled, Aiden."

He chuckled. "Let me carry this for you, Kaitlyn. Para hindi masabi nila Tito na hindi ko inaalagaan ang anak nila."

Sumakit ang damdamin ko sa sinabi niya. So, he only did that to impress my parents? Hindi niya iyon ginawa para sa akin?

"Give me my bag, now," Seryoso ang boses ko at nagtitimpi. I don't want my mood to be ruined because of this.

Dahan-dahan niyang binigay ang bag ko. Kita sa mukha niya ang pagtataka kung bakit ganun ang reaksyon ko. Hindi ko sasabihin sa kanya ang dahilan, bahala siyang mabaliw.

Pumasok kaagad ako sa kotse niya habang yakap-yakap ang bag ko. Sinuot ko ang airpods ko. Para hindi masabi nila Dad na hindi mo ako inaalagaan? You wanted to please them so bad, Aiden?

Tumingin ako sa labas ng bintana ng pumasok siya sa sasakyan. Tinignan niya ako ng maigi.

"Did I say something wrong, Kaitlyn?" Marahan niyang tanong at hinawakan ako.

Tinignan ko siya at umiling tapos ibinalik ang tingin sa labas. Bahala kang mabaliw diyan. Hindi kita papansinin. Bumuntong-hininga siya bago pinaandar ang kotse.

"Your seatbelt, Kaitlyn."

Hindi ko narinig ang sinabi niya dahil malakas ang volume ng airpods ko.

"Huh?

Hindi siya sumagot bagkos ay unti-unti siyang lumapit. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Anong gagawin niya?

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Lumakas ang tibok ng puso ko. Is he planning to kiss me? Is this it?

Pumikit ako. Ilang segundo ang lumipas, wala pa akong nafefeel na kahit ano. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita siyang nakangisi at tinanggal ang airpods ko.

"Your seatbelts, darling," Natatawa niyang sabi. He fastened my seatbelts at tsaka nag drive na.

Pumula ng husto ang mukha ko habang tumitingin sa labas. That's really embarrassing, Kaitlyn!

Runaway Bride//COMPLETEDWhere stories live. Discover now