Chapter 10

2.9K 78 2
                                    

Inlove

"Oh my gosh, look!" Rinig kong sabi ni Ate Aliyah at ipinakita kay John ang cellphone niya. "Don't show this to Kaitlyn."

Kahit mahina ang boses niya ay narinig ko ito dahil magkatabi lang kami. Medyo marami na ang nainom ko at masama na ang pakiramdam ko. Tipsy na din ako.

Pinilit ako nila John na uminom. Pasalamat ako na wala akong subject bukas ng umaga. Hapon pa magsisimula ang klase ko. Hindi ko kayang pumasok na hangover.

"What's that?" Tanong ko.

"We better show this to her. She needs to know," Sabi ni John habang tinitignan si ate Aliyah. Parang mayroong silent communication sa kanila at di naglaon ay tumango si Ate Aliyah.

Dahan-dahang pinakita ni Ate Aliyah sa akin ang cellphone niya. Picture iyon ni Aiden na may kasamang babae. Magkahawak sila ng kamay habang nakangiti. Nasa restaurant sila.

"My friends sent me this photo. Akala nila ikaw iyan," Sabi ni Ate Aliyah sa akin. "I'm sorry, Kaitlyn."

Namuo ang luha sa mga mata ko. I waited for him to be here. I really do. At ngayon, malalaman kong hindi siya makakapunta dahil may kasama siyang babae?

"I'll call Aiden," Ani John at kumuha ng phone.

"No... Huwag na.... Let him enjoy..." Kahit naiiyak ako ay nagawa ko pa ding ngumiti. "I'll just dance."

Pumunta ako sa dance floor at sumayaw. This is my first time dancing in such a huge crowd but I don't mind, may tama na din siguro ako.

Sumayaw ako ng sumayaw, may mga lalaking lumalapit na sa akin at nakikipagsayaw, hindi ko sila inawat. Gumiling giling ako. May mga luha sa mga mata ko at ayaw itong tumigil. Patuloy ito sa pag patak.

I hate you, Aiden. I really hate you.

Hinawakan ng isang lalaki ang bewang ko at sinabayan ako sa pagsayaw.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at umakmang hahalikan ako. Hindi ako pumalag. Malakas na ang tama ko sa alak.

"Aiden," Sambit ko habang papalapit na ang mukha ng lalaki sa akin.

Naaninag ko si Aiden mula sa malayo. Galit na galit ang kanyang mga mata at humahakbang papunta sa amin. Nakayukom ang kanyang kamao.

Why are you angry, Aiden?

Lumagapak sa sahig ang lalaki ng sinuntok siya ni Aiden.

"AIDEN!" Sinigawan ko siya upang maawat. Bahagya ko ring hinawakan ang kamay niya. Nahinto ang lahat sa ginagawa. Nasa amin ang atensyon ng lahat.

Nagliliyab ang mga mata niya sa galit habang tinitignan ang lalaki na nasa sahig. Putok ang labi ng lalaki, ngumisi pa ito bago tumayo.

"Aiden de Leon. Nice to meet you. Bakit hindi mo sinamahan ang fiancé mo sa bar? Tignan mo, natsansingan ko," Tumawa pa siya at kinindatan ako. "Kung ako sayo, hindi mo hahayaang pumunta mag isa sa mga ganitong lugar ang mahal mo, kung ayaw mo siyang mapagamak. I guess, you don't love her enough to stay with her."

Nabiyak ang puso ko sa sinabi niya. Aiden, please, sabihin mong mahal mo ako. Please.

Hindi umimik si Aiden at tinignan ako. "Let's go, Kaitlyn," May galit pa sa boses niya at parang nagtitimpi lang.

Nandoon pa din sa harap namin ang lalaki. Sino ba kasi siya?

"Oh, I forgot, marriage for convenience lang pala kayo, so maybe, there's no love at all," Natatawang sabi ng lalaki. "Kung ako sayo, Kaitlyn, sa iba ka nalang, mamahalin ka pa---"

"SHUT UP!" Sinigawan ni Aiden ang lalaki. Kwinelyuhan niya ito at sinuntok ulit. "Huwag kang magmagaling. Wala ka pang napapatunayan, kuya."

Nagulat ako sa sinabi ni Aiden. May kuya pala siya? Akala ko wala. Bakit si Ate Aliyah lang at si Aiden ang kilala ko. I also heard na dalawa lang talaga silang magkapatid.

Or baka cousin niya ito. Well, I don't really know.

Hinawakan ko ang kamay ni Aiden at hinila siya palayo. Aiden is still glaring at the man but the man seems to enjoy it.

"I'm not done with you, kuya," Sabi ni Aiden at tumalikod na sa kanya. Galit na galit siya kaya naman hindi na ako umangal ng hilain niya ako palabas. I am still tipsy buti nalang hindi ako nadaosdus sa sahig.

Ako dapat ang galit dito eh, bakit siya ang galit ngayon?

Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya. "Bitawan mo ako!"

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Nasa parking lot na kami ng bar at kitang kita ko na ang kotse ko.

"What the heck do you think you're doing, Kaitlyn? Bakit ka nag party na wala ako? Ano bang iniisip mo, ha? Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sayo?" Sunod-sunod niyang tanong. Galit siya sa akin. Galit din ako sa kanya.

"Don't worry. Hindi ko isasabi 'to kina mommy, hindi masisira ang tingin nila sayo," Sabi ko at kaagad na nagmartsa patungo sa kotse ko.

I really don't want fighting. Kung galit ako ay tumatalikod na lamang ako at umiiwas. I don't want to waste my voice.

"Fuck! I am not doing this for your parents, Kaitlyn. I am doing this for you! Hindi mo ba nakikita?"

Nanginginig ang labi ko at nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko. Lies. Lies. And lies. I'm so sick of these lies.

"Stop pretending, Aiden. Pagod na akong makinig sa mga kasinungalingan mo," Tumulo ang luha ko at yumuko. "A-and if you don't really want this wedding. I will tell mom and dad to cancel it. I can do that for you. Stay with the girl who can make you feel happy."

"Then, I'm staying with you because you are my happiness, Kaitlyn," Mas lalo akong napahagulhol sa sinabi niya. Why can't he just tell the truth? Will he let me believe his lies? "Do you really think that I would let them decide for myself, Kaitlyn? Do you really think na papakasalan kita kung hindi kita mahal? I've loved you long enough, Kaitlyn. So I decided to marry you."

Nagulat ako sa sinabi ni Aiden. He loved me long enough? He decided to marry me? So.... Was he the one who suggested this arrange marriage to his parents? Maybe...

Umiyak ako sa harapan niya. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaiyak. I've never cried infront of a person before. I've never been this broken before. Aiden held me and caressed my face. "I love you, Kaitlyn."

"If you really love me, Aiden, why would you date another girl? Ni hindi mo ako sinipot ngayon, alam mo namang may party dito. I expected you to be here, Aiden," Napapaos na sabi ko dahil sa kakaiyak.

"Date another girl? What? I didn't date another girl for pete's sake, Kaitlyn," Aniya. "Hindi din ako nainform na may party ngayon. That's why I got angry when I knew you were here, hindi mo sinabi sa akin na magpaparty ka."

"B-but John told me that he informed you already. Siya ang nag invite sa akin dito."

"Damn John. I wasn't informed, really. Nasa bahay lang ako kanina, Kaitlyn. I was concerned of you, hindi ka kasi nagpahatid sa akin pauwi. I was texting you but you're not replying. I was too worried about you. Hanggang nakita ko ang post ng isang friend ko, nakita kita sa picture, buti nalang nahanap kita," Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

"If I didn't arrived early, baka nahalikan ka ni Drake, magkamatayan muna kami bago niya magagawa iyon. Damn, I can't let you kiss another guy, Kaitlyn."

Niyakap ko din siya. I felt secured. "Sorry if I ever doubted you, Aiden."

Tinignan niya ako at nginitian. "I love you, Kaitlyn. I am so inlove with you, always remember that."

And I love you too, Aiden.

Runaway Bride//COMPLETEDWhere stories live. Discover now