Chapter 12

2.7K 73 2
                                    

Betray

Days passed by in a blink of an eye. Next month na ang wedding namin ni Aiden. Everything seems right. And I wish that nothing could go wrong.

Nasa labas ng bansa si Aiden. May problema ang kompanya nila kaya kailangan niyang tignan iyon. Nag absent siya for two weeks, i coconsider naman iyon ng school since it is really important.

I am worried about him. Is he okay?

Naglalakad ako sa hallway. Bago lang natapos ang exam namin. Ako ang unang nakatapos kaya pwede na akong lumabas. I'm not sure if I got it correctly since my mind is occupied by Aiden. I am damn worried about him. He's away, and he's alone.

"Kaitlyn!" Rinig kong may tumawag sa akin.

Lumingon ako sa pinangalingan ng boses at nakita kong isang babae iyong morena, kulot na kulot ang buhok at naka uniform.

"Yes?" Nakataas ang kilay ko.

Hindi ko siya kilala yet she is very brave to shout my name na parang close kami.

"Pwede bang humingi ng favor?"

Nang lumapit siya ay na recognize ko siya. Classmate ko siya sa isang subject ko.

"Go on."

"Pwede bang.... Humiram ng pera?" Nahihiya niyang tanong. Nagulat ako sa sinabi niya.

Sa lahat ng tao dito bakit ako ang hiniraman niya? May kaibigan naman siguro siya, bakit ako?


"Wait. What?"

"May sakit kasi ang mama ko, hindi namin kaya ang gastos, kailangan kasi siyang operahan as soon as possible. Marami akong ipon pero hindi iyon sapat, nag pa part-time job na din ako pero hindi talaga kaya," Nangilid ang  luha niya. Parang piniga ang puso ko sa aking narinig.

She's 17 or 18, ganito na kabigat ang problema niya. Hinawakan ko siya sa braso. "Come with me."

Pununta kami sa cafeteria at umupo doon. "Mag oorder na muna ako ng pagkain natin."

Nakatingin sa amin ang lahat ng tao sa cafeteria, nagtataka siguro kung bakit ko siya kasama.

Nahihiya siya habang tinitignan ako. "A-ako na ang bibili ng pagkain ko, Kailtyn," Nauutal pa siya.

Umiling lamang ako at ngumiti sa kanya. "Ako na."

Pumila ako at bumili ng pagkain. Pagbalik ko at dala dala ko ang isang tray na puno ng pagkain. Her eyes went big.

"Ang dami naman nito!" She exclaimed.

"Kumuha ka na."

Nanginginig pa ang kamay niya at kumuha ng isang plato.

"So, about your favor, go on."

Sumubo ako ng isang fries at tinignan siya. "Saan pala ang mga kapatid mo?"

"Bata pa sila. Ako ang nagpapaaral sa kanila ngayong nasa hospital ang nanay ko. Scholar lang ako dito kaya hindi ako mayaman. I really need the money, Kaitlyn. I am very desperate. Wala akong matatakbuhan. Wala na talaga," Humagulhol siya sa iyak.

Pumunta ako malapit sa kanya at hinaplos ang kanyang likod. "You will get through this. I will help you."

"Talaga?" Her face brightens.

"Yes. Ako na nag bahala sa hospital bill ng mama mo," Nakangiting sabi ko. "I've never seen such determined and brave girl like you, Ms---"

Runaway Bride//COMPLETEDWhere stories live. Discover now