Chapter 26

2.7K 62 1
                                    

Forgiveness

Akala ko, kapag lumayo ako, makakalimutan ko na ang lahat ng nararamdaman ko kay Aiden. Akala ko, kapag ginawa ko ang lahat para kalimutan siya ay mawawala na ang pagmamahal  ko sa kanya but I was wrong.

Tinatago ko lang ang lahat ng nararamdaman ko. I know, deep down, nandoon pa din ang pagmamahal ko sa kanya, natabunan lang ng galit, at lungkot.

Bukas na ang kaarawan ni Aiden. I informed him that I don't have a gift for him, sabi naman niya, my presence is enough.

Pinagmasdan ko ang singsing na suot ko na binigay ni Aiden. Kahapon ko pa ito muling sinuot, ang gandang tignan.

Excited na akong suotin ito bukas sa party. Hindi ko maiwasang makabahan dahil baka makaaway ko si Tita Alina but as much as possible, I need to stay away from her. Kahit alam kong sa table ako nila ako ipapaupo ni Aiden, I told him na sa separate table nalang ako uupo. Iaanounce niya rin sa lahat ang pagbabalikan namin.

Hindi pa namin napag-usapan ang engagement, o kasal pero we'll take it slow this time. We're not in a rush, we're doing it one at a time. Ayaw naming biglain ang lahat.

"You ready?" Tanong ni Aiden sa akin habang nagmamaneho.

"How can I be ready kung hindi mo sasabihin sa akin kung saan tayo pupunta?" Umirap ako sa kanya.

Niyaya ako ni Aiden kahapon upang mamasyal, may pupuntahan daw kaming importante. I wonder  hindi ba siya busy sa office niya? And to think na bukas na ang birthday celebration niya, I think, he must be very busy.

Hindi masyadong busy sa office ko dahil wala namang masyadong problema sa stocks and sa company, minimal lang ang problems kaya hindi ako masyadong abala.

Ngumisi siya nang makita akong umiirap. "Sungit!"

Hindi ko alam kung saan kami pupunta, he just told me to wait and see, may kakausapin lang daw kaming tao, I don't know who.

Medyo malayo na kami sa siyudad at tanaw na tanaw ko na ang matataas na bundok mula sa malayo. The tall buildings are replaced with a green scenery. May mga farms din at may iba't-ibang hayop ang nakita ko. This place is a paradise. I want to live in this kind of place, it's peaceful and very light.

"Where are we going?" I asked for the ninth time, he still didn't tell me.

"Patience, my dear. Patience."

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko ulit.

"Yes. We're near."

Matataas na kahoy ang nakita ko mula sa malayo, para itong isang forest. Aiden made a right turn and then, I saw a very small cabin. Maliit lamang ito pero kasya ang dalawa o tatlong tao sa loob. Gawa ito sa kahoy at may maliit na chimney sa itaas.

Napapalibutan ito ng punong-kahoy at may maliit na farm sa gilid. May maliit ding batis sa likod. I wanted to swim there.

Ngumiwi ako nang makita ko ang maputik na daan. I'm wearing pumps kaya alam kong mahihirapan akong maglakad dito.

"Ang putik," Ayaw kong mag reklamo pero I know na hindi ko kayang maglakad doon. My pumps are new for goodness' sake! Hindi ko kayang maputikan iyon! It's brand new!

Kumunot ang noo ko habang tinitignan si Aiden na natatawa sa reaksyon ko.

"I got you, darling," He winked at me. May kinuha siyang isang box sa likod ko. I opened the box and it revealed a beautiful black boots na pang cowgirl. Buti nalang at nakajeans ako, hindi ako magmumukhang ewan kapag nag boots.

"Thank you," Sabi ko at kaagad na sinuot ang boots na binigay niya. Hanggang tuhod ang boots at maganda itong tignan. Well, he has a nice taste huh?

Runaway Bride//COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant