Chapter 5: The Chance

712 35 1
                                    

Nang makarating ako sa venue kung saan gaganapin ang birthday party ng kaibigan naming si Niña, highschool best friend namin noon ni Alliyah at andito rin ang isa pa naming kaibigan na si lissel.

"Hoy baklaaa andito ka na" nagulat nalang akong may biglang sumigaw, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses na galing sa may likurang banda, kitang kita ko ang dalawang tao na tumatakbo papunta sa direction ko.

"HAPPY BIRTHDAY, NIYAANGGG" sinalubong ko sya nga yakap at inabot ko sa kanya ang paper bag na may lamang regalo ko.

Pumasok na kami sa loob ng venue at maya-maya ay nag start na rin ang party.

Gaya ng mga usual na party ofcourse kumain na tapos nakakapagchikahan na rin kami, si lissel ay nagmamanage ng sarili niyang clothing shop at si Niña naman ay isang flight attendant na ngayon.

Marami silang naikwento sakin, about sa mga buhay-buhay nila at kung ano na ring ganap sa kanila.

So the party went smoothly, medyo uminom lang kaming konti, pero dahil nga medyo mababa ang alcohol tolerance.

Alas dose na ng gabi kaya nagpaalam na akong umuwi nung pauwi na ako medyo umiikot na paligid ko, kaya inalalayan nila ako at pinara nila ako ng taxi, tas pinasakay.

Pagkauwi ko sa tapat ng gate namin.

"San ka galing?"
Napalingon ako sa paligid, wala namang tao o kung ano, medyo nangilabot ako. Pero baka dahil nga sa lasing na ako baka kung ano-ano na naririnig ko.

Nagdoorbell na ako, dumating na kasi yung kinuhang kasambahay ni Brianna kanina nung paalis na ako.

Si manang Esmeralda, mabuti at malapit na kaibigan raw yun ng yumao niyang lola saka yung anak nag iisang niya naman iniwan siya kasama ang dalawang apo niya na iniwan sa kanya, kaya naghanap sya ng mapapasukan eh dahil nga sa amy edad na si manang nahihirapan na syang maghanap ng trabaho, sakto namang naisipan ni Brianna na mas mabuting may maiiwan dito sa bahay 24/7 kasi pag nightshift sya ako lang naiiwan eh minsan di ko pa nalolock ang mga pinto ng maayos mas mabuti na rin raw na may makakasama kami.



kaya nung umuwi ako bukas naman ang mga ilaw kaya nag doorbell na ako.

Pinagbuksan niya naman ako, at inalalayan niya akong pumasok sa loob at umupo muna ako sa sala habang pinagluluto niya akong maiinit na ramyeon at nagtimpla na rin syang kape.

Nung inilapag na nya sa maliit na coffee table sa harap ng sofa, ay nagpasalamat na rin ako
Medyo nahimasmasan ako sa ramyeon at kape.

"Good evening, nga pala ma'am" bati sakin ng bago naming kasambahay.

Naalala ko sa kanya ang mama ko.
Nasa around 50's na rin itong si manang.

"Nako, wag nyo na po ako tawaging "ma'am", masyadong pormal pakinggan manang. Ayoko ng ganun saka simula ngayon magiging parte na rin naman kayo ng buhay namin, ayoko pong mailang kayo dito" nakangiting sambit ko sa kanya

"pasensya na po kung isinama ko pa ang apo ko dito wala kasing-"

"Manang okay lang ho yun, saka walang kaso yun sakin saka mas lalong walang kaso rin yun kay Brianna, hindi mo kailangang mag alala sabagay na yan." kinuha at hinawakan nya ang dalawang palad ko, at kitang kita sa mukha niya ang saya.

"Maraming salamat at napakabait ninyo sa amin" niyakap ko sya.

At kahit na malalim na ang gabi ay nagawa pa naming makapagkwentuhan, may isa pa pala syang apo na pinapaaral niya pero nasa Cebu pala ito nag aaral kaya isang beses lang sa isang taon kung magkita sila.

The Man OF My Dream Season 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now