Chapter 6: Getting To Know

586 32 0
                                    


Lumipas ang halos tatlong linggo, naipa-enroll ko na rin si Jia sa bagong school niya, and the whole 3 weeks umiikot lang naman sa trabaho ko lahat.

Pero tatlong linggo na rin ang nakakaraan hanggang ngayon napapaisip parin ako sa huling sinabi ng lalaking nakilala ko sa panaginip ko, lagi akong nasasabik matulog nagba-ba-ka-sakaling  makita ko ulit sya at maituloy na namin yung pinag-uusapan namin nung huli naming pagkikita.

But I always wake up in disappointment, I can't recall everything. Hindi ko nga alam kung nanaginip ba ako o ano.

I found some tips and advices from the people on the internet, so based on them journaling will be a huge help.

So I just simply right everything down on a journal about what I have dreamt of the last night, everytime I wake up. And I'll gonna start writing as soon as I wake up before it gets blurry.


So that's why, nagigising akong dismayado dahil tatlong linggo ako walang napapanaginipan na kahit na ano.

Wala rin akong maisulat sa dream journal ko, saka binabagabag pa rin ako sa naudlot naming pag-uusap ng lalaking yun.


Andami paring mga katanungan sa utak ko hanggang ngayon.
Hindi parin masyadong naabsorb ng buong systema ko, yung mga information at mga  nangyayare sa'kin at kung paano naging posible ang mga bagay na yun.

---------------------

Ngayon ay araw ng sabado
At saktong wala rin naman akong pasok sa trabaho kaya naman, naisipan kong tawagan si Alliyah, tinanong ko sya kung free sya ngayon araw at kung pwedi gumala kami, sakto namang day off niya rin saka wala rin siyang gagawin kaya sumang-ayon na ito.

Pagkatapos kong tawagan si Alliyah ay isinunod lissel
"Hello, bakla nasan ka ngayon? Pwedi ba tayo mag meet tas mag bonding.
Tagal na nating di nakakapag-shopping eh, o kaya sa mga amusement parks"
sabi ko, pagkasagot niya ng tawag ko.

"Hala! Gustuhin ko mang sumama ngayon pero di ako pwedi eh mahigpit pa sched ko, saka nasa Paris ako ngayon, may business trip ako dito. Kailangan kong i-meet ang mga investors ko at mga willing mag-invest para sa clothing line ko dyan sa Philippines.

Babawi ako pag uwi ko d'yan promise, saka may mga ipapadala pala akong mga damit sainyo nila Alliyah saka Niña, maybe in the next few days maidedeliver na yun dyan, saka mag dadala akong mga imported chocolates saka bags and ofcourse kahit na medyo mahirap iuwi ang icecream, I'll find ways para makapag-uwi rin ng paborito nyong mga flavors ng ice cream"

Para akong batang tumitili sa tuwa nung nabanggit niya ang tungkol sa chocolates and ice cream HAHAHHAHA.

So next ko namang tinawagan si Niña, pero may flight pala sila, so ayun sabi niya babawi nalang din daw sya next time. So sinabi ko sa kanya pagbalik ni Lissel magkita kita kami.

So ayun nga nagkita na kami ni Alliyah, una kaming pumunta sa mall sympre tas sa paborito naming amusement park, umiikot lang ang buong pag-uusap namin kung gaano na nag level up yung namamagitan nila Alliyah at Abegail.

Abegail was also into girls rin pala kaya ayun tanggal ang kaba at napalitan ng kilig ang nararamdaman ni Alliyah, sobrang nakakatuwa lang namarinig ang nakakatuwa't nakakakilig nilang kwento nilang dalawa HAHAHHAHA mukhang inlove na inlove na tong si Alliyah

Umuwi ako around 11pm, naabutan ko si Jia na gumagawa ng homeworks sa may sala. Matalinong bata saka masipag talaga, nilapitan ko ito ay inabot sa kanya ang burger at sundae na binili ko on my way home.
Mukhang tulog na ata si manang Esmeralda, inilagay ko nalang sa freezer ang sundae, saka pati na ang burger.

The Man OF My Dream Season 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now