Chapter 20: The biggest problem was coming

286 16 0
                                    


The continuation

"Tinulungan ako ng babaeng hindi ko na maalala ang mukha, may iilang parte na medyo malabo na sakin, pero ang mga huling naalala ko. Hinintay kita na magising muli saka pinapanood lang kitang mahimbing na natutulog.

Biglang sumulpot sa kung saan ang babaeng nakaputing damit, maganda sya at masasabi kong hindi natin siya kauri, isinama niya ako at sabi niya siya na raw ang bahala sayo tapos pinapili niya ako sa dalawang mahirap na desisyon na dapat kong gawin.

Una, ang manatili akong naalala ka at nakakasama na dun lang tayo lagi sa mundong yun, habang patuloy parin akong nakakulong dun pati sa naging nakaraan natin, o ang makalimutan ko lahat pero malaki ang chance na magtagpo uli tayo at makalaya na rin ako mula sa mapait nating nakaraan nung parehas tayong nabubuhay sa nakaraang buhay natin.

Ni hindi ko naman alam na tulad mo naging tao pala, pero wala akong naalala pag nandun na tayo sa mundong yun, ang mga nangyayare dun ay nanatiling nandun lang at ang mga nangyayare pag gising ako ay nanatiling dito lang sa mundo natin.


Sa mga oras na yun alam kong yung pangalawang offer ang sure ako na ikakabuti nating dalawa pero ayoko namang makalimutan lahat at maiwan ka na hindi nakapagpapaalam, sa katunayan nakita kitang hinahanap mo ko pero hindi ako makalapit sayo,  dahil hindi maaari.


Pero nagtiwala ako dun sa babae, matagal na kitang napapanaginipan pero gaya nga ng sabi ko ang mga nangyayare satin sa mundong yun ay nanatiling andun lang pero ang larawan ng mukha mo ay hindi ko nakakalimutan, araw-araw kitang iginuguhit lagi kada nagigising ako."


Mahabang pagkukwento ko sa kaniya, habang seryoso syang nakatingin at nakikinig sakin

"Kaya ba ganun ang naging reaction mo nung nagkabangga at nagkatinginan tayo kahapon?" Tanong niya sakin


"Oo, gulat na gulat akong makita kakahapon kasi kamukhang kamukha mo ang babaeng lagi kong napapanaginipan at iginuguhit ko kapag nagigising na ako"
nakangiti lang sya sakin at bigla niya akong niyakap muli



"Salamat, kasi bumalik ka.
At nalaman ko rin ang buong katotohanan, mahigit apat na taon akong umaasa sa buong katotohanan hindi ako nawalan ng pag asa na baka idang araw makita kita muli, ni hindi ko kayang pumasok sa panibagong relasyon kasi may parte parin sakin na alam kong may pag-asa pa." pagsasalaysay niya


"Sa katunayan, sa pamamagitan ng pagsusulat ko ibinuhos lahat ng nararamdaman ko, mula sa lungkot at pangungulila ko sayo, hindi sa pagmamayabang pero tinangkilik ang kwento natin at naging isang sikat na nobela, naging biggest hit yun 3 years ago pero up until now sikat parin siya, pero pinili kong itago ang pagkakakilanlan ko"dagdag pa niya

"Ano naman ang title niyang sinusulat mo?" tanong ko



"Yung librong ang pamagat ay
'the man from my past'
ayan yung nobela ko" nagulat ako sa sinabi niya


"Na isinulat ni..." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat

"Oo yun nga, akin yun saka pen name ko yun" nakangiti niyang sambit

"Teka... Ikaw ang gumawa nun?
Halos tatlong taon ko na rin yun na naging paborito kong nobelang basahin nang

paulit-ulit mahigit 20 times ko na nga ata yun nabasa at halos makabisado ko na ang mga nakasulat sa bawat kabanata, sobrang fan na fan ako sa nobelang yun,

hindi ako mahilig sa mga ganung genre ng novels pero sa nobela mo ko nabighani, hindi ko alam kasi parang maykakaiba dun na di ko maipaliwanag kaya paulit ulit kong binabasa"

The Man OF My Dream Season 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now