Chapter 10: The Unexpected Revelation

338 21 0
                                    

-Continuation-

"Ano ba yung sasabihin mo?" Wika ko.
Medyo kinakabahan ako sa mga tingin niya sakin ngayon, hindi ko maintindihan pero kita sa mg mata niya angbpag aalinlangan at kaba at takot...

"Yung babaeng ikukwento ko kasi sayo--"
Ito na naman tayo sa babaeng yun nakakairita na tss

"Ano na naman ba? Na mahal mo pa sya? Nakita mo ba o ano--"

"Oo, mahal ko sya at nakita ko na.."
Para akong nabingi sa sinabi niya.
Bakit ba laging ganto ako kamalas sa lovelife, kung di naman lolokohin gagawin namang pampalipas oras.

Hindi ko maintindihan yung sakit pagkatapos kong marinig ang sinabi niya

"Mahal na mahal ko pa sya, sya rin ang dahilan kung bakit pa ako nandirito, sya lang naman lagi ang mahal ko mula noon hanggang ngayon" wika niya.

Doble yung sakit na nararamdaman ko sa nga oras nato, akala ko magiging masaya na ako kahit sa panaginip man lang. Mahal ko na si Dale eh, pero all these time pala yung babaeng yun parin pala yung mahal niya.
Tumayo akoat galit na humarap sa kaniya habang nagsimula nang nagsidaluyan ang mga luha ko sa mga pisngi ko.

"Hindi mo ko naiintindihan Sam" hinawakan niya ang mga kamay ko pero galit kong inalis ang mga kamay nya sa mga kamay ko.

"Ikaw ang babaeng tinutukoy ko" napahinto ng ilabg sandali sa huling sinabi niya.

Ano raw? Ako ang babaeng tinutukoy niya? Ako ang babaeng niligawan nya ng halos 3 years? Pero paano?

Napuno ng katanungan ang isip ko sa maikling sandali.

"Paanong?--"

"Nagmamahalan tayo noon pa man"
tumayo sya at tinakpan niya ang mga mata ko gamit ang mga kamay niya.

At sa isang iglap, napadpad kami sa tabing ilog kung saan nakikita namin ang dalawang magkasintahang nakatalikod mula samin na masayang nagkukulitan.

Napakunot ang noo ko ng bigla kong mapansin na pamilyar ang lalaking kasama ng isang pamilyar ring babae... Teka.. SI DALE BA YUN?! AT AKO?!

"NASAN TAYO? TEKA BAKIT AKO NANDYAN? BAKIT KA NANDYAN?!" sunod sunod kong tanong kay Dale.

"Tayo talaga yan... Nandito tayo sa alaala ko." Wika niya. Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyagare, sobrang nagulat ako sa mabilis na mga pangyayare.

Magtutungo na sana ako sa kinaroroonan ng isa pang kami. Ngunit pinigilan ako ni Dale.

"Hayaan mo nalang silang maging masaya, huwag mo nang guluhin sila" sabi niya sakin habang malungkot na nakatuon ang paningin niya sa alaalang masaya kaming nagkukulitang dalawa.

"Dale... Patay ka na? Paano nangyare ang mga to?" Tanong ko. Ramdam ko yung lungkot sa mga mata ni Dale.

"Hindi ko alam" sagot niya

"Gusto mo bang malaman ang naging buhay nating dalawa?" Tanong niya.

Hindi ko pa lubos na maintindihan ang mga nangyayare sa paligid namin, pero maraming mga namumuong katanungan sa isip ko at ninanais ko ring malaman ang kasagutan para sa mga ito.

Tinakpang muli ni Dale ang mga mata ko gamit ang mga kamay niya, at nang ito ay tinanggal niya andito na naman kami sa isang kakaibang lugar na alam ko sa sarili ko na kahit kelan hindi ko pa napupuntahan.


The Man OF My Dream Season 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now