Chapter 15: Is it him or not?

245 14 3
                                    

Someone's POV

"Ano na naman ba yang inisketch mo dyan bro?" Tanong ng kaibigan kong si Clinton

"Siya parin ba talaga? Bakit di mo nalang tigilan ang babaeng yan, ni hindi mo naman pala kilala o kaya nakakasama man lang tapos hanggang ngayon siya parin, tatanda kang binata niyan eh" dagdag pa niya sabay tawa


"Hindi ko rin alam bakit hindi ko sya magawang kalimutan o kaya balewalain man lang" sagot ko habang patuloy na ginuguhit ang mga naalala kong detalye tungkol sa kaniya.


Sa bawat pagdaan ng mga taon, lumilinaw at lumilinaw ang nagiging mukha niya kaya palinaw nang palinaw ang mga guhit ko tungkol sa kaniya.

Sinubukan kong hanapin siya gamit ang social media, may mga iilan na nagpapakilala na sila raw yung nasa guhit ko pero hindi eh.


Lahat ng mga nagsasabing sila yun eh hindi naman talaga, may nunal sa bandang kaliwang mata ang babaeng nasa guhit ko at may maliit na nunal malapit sa labi gayun rin sa bandang hairline niya.


Napakaweird na yung mga maliliit na detalye tungkol sa itsura niya ay naaalala ko, pero medyo malabo sakin ang mga scenario kung saan kasama ko sya.



Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sitwasyon ko ngayon na kung saan ilang taon na akong napapaibig na sa babaeng yun, may kakaiba tungkol sa kaniya na gustong gusto kong malaman at gustong gusto ko syang makita at mahanap.



"Alis na muna ako Bro, gusto mo ba ng coffee? Lalabas ako para punta dun sa coffeeshop na lagi nating pinupuntahan" tumayo si Clinton at huminto sa harap ko para magpaalam


"Oo sige ba, tamang tama malamig rin ang panahon. Alam mo naman na yun parin ang paborito kong kape" sagot ko. At tumango naman ito at umalis.

Ilang minuto kong tinitigan ang naiguhit ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko kada titigan ko na ang babaeng lagi kong ginuguhit.


Tinignan ko ang iilang pages sa sketchbook ko at nakatala rin kasama ng guhit ko ang mga petsa at taon kung kelan ko sya naiguhit.



Nang matapos ko nang tignan lahat ay isinara ko na ang sketchbook ko at inilagay sa may study table ko ko, kinuha ko na rin ang paborito kong libro, mahigit 20 times ko na atang paulit ulit na binabasa 'to, halos makabisado ko na ang mga nakasulat sa bawat kabanata HAHAHAHA

The Man OF My Dream Season 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now