Chapter 12: The Consequences of Agreement

319 18 0
                                    

Samantha's POV

Nang makatulog ako after a long and toxic day sa hospital ay bagsak na akong umuwi. Nagtanggal na ako ng make up at nag shower saglit at tuluyan nang nakatulog dahil sa pagod nakalimutan ko nang mag hapunan.

Nang muli kong iminulat ang mga mata ko ay nasa harap ko na si Dale, nag sorry ito sakin at niyakap ako, naiyak nalang ako habang inaalala ang mga huling pangyayare na nangyare kung saan nakita ko lahat ng nasa alaala niya.


"Hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil wala ka namang naging kasalanan saka, may isang hiling ako. Pwedi mo ba akong dalhin sa panahon na kung paano ako namatay? Kasama mo naman ako sa mga oras na yun diba?" Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at tinignan syang deretso.

Umiwas ito ng tingin at bakas sa mga mukha niya ang pag aalinlangan.


"Please?"muli kong sambit, dahilan oara mapatingin na syang muli.

Sa pagkakataong ito ay pumayag na sya at tinakpan niyang muli ang mga mata ko kung paano niya tinakpan ang mga mata ko noong dinala niya ako sa mga naging alaala niya.


Na padpad kami sa isang lugar, nasa isang beach kami, ang kaibahan lang ay may mga iilang tao akong nakikita sa di kalayuan na masayang nagbobonding at ineenjoy ang dagat.

May iba na nag hahanda na ng mga iilang kahoy para sa bonfire ata nila.

Maganda ang lugar na to pati ang karagatan, na patingin ako sa araw na palubog na.

"Halika puntahan natin sila" napatingin ako kay Dale na ngayon ay inaalok na niya dakin ang kamay niya, sensayales na hahawakan ko ito at sumama ako sa kaniya.

"Saan tayo pupunta? Saka nasan ako o si Stella saka Ikaw?" Tanong ko, habang naglalakad kami.

Sa di kalayuan sa may tahimik na lugar natatanaw namin ang dalawang magkasintahan sa pagkakataong to alam ko na kung sino sila.

"Sa totoo lang, ito yung bahagi nang alaala ko na kung saan sobrang naging mahirap sakin lahat." Malungkot itong ngumiti habang nakatingin sa dalawang kami sa nakaraan.


Lumapit kami at tumayo sa likod nila Dale at Stella, at sa gulat ko ay hini man lang kami napansin na nasa likuran nila kami.


Nakasandal si Stella sa dibdib ng Isa pang Dale, habang yakap naman ni Dale si Stella.


"Maligayang kaarawan mahal ko" tumingala pa ng bahagya si Dale.

Lumapit pa ako ng konti at kitang kita ko ngayon sa mukha ng Dale sa nakaraan ang lubos na kalungkutan.

Habang nakikita ko nman ang sarili ko bilang si Stella na ngayon ay namumutla at tila nabghihina pero kitang kita ko kung paano niya sinusubukang lumaban. Umaagos sa mga mata ni Stella ang mga luha ng kasiyahan at kalungkutan habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

Hindi ko mapigilang huwag maiyak, hindi ko maintindihan pero ramdam ko ang lubos na sakit sa pagkakataong ito.

"Hiling ko mahal ko, na sana wag mong isarado ang puso mo para sa isang babae na marahil darating pa sayo at magmamahal sayo higit sa kaya ko.
Magiging masaya ako sa kabilang buhay kung tutuparin mo ang hiling kong magiging masaya ka sa hinaharap lalo na kung may darating na isang tao na mamahalin ka." Kumalas si Stlla sa pagkakayakap ni Dale na ngayon ay umiiyak na.

"Huwag ka namang magsalita ng ganyan mahal" umiiyak na si Dale habang lumuuhang nakangiti ng malungkot si Stella sa kaniya.

"Alam mo kung paano ko sinubukang lumaban, mahal ko. Pero alam ko rin sa sarili ko na hindi na ako makakapanatili ng mahabang panahon pa sa piling mo.

The Man OF My Dream Season 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now