Chapter 8: The Warmth Hug

431 28 0
                                    

"May nagawa ba ako?" binasag ni Dale ang bumabalot na katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Tatlong araw na ang nakakaraan pero parang laging kanina lang nangyare simula ng sinabi sa'kin ni Presto ang napakasakit na mga salitang yun.

Kaya tatlong gabi na rin na hindi ko masyadong kinakausap si Dale.
Andito kami ngayon sa tabing dagat, nakaupo ako sa ilalim ng maliit na puno ng buko, habang sya nakaupo naman sa kabilang bahagi.

"Wala naman" sagot ko saka ngumiti ako sa kaniya.

"Ako pa talaga niloko mo ha, madalas ka kayang masungit na parang tiger na ano mang oras mangangagat. May nangyare ba?" tumayo ito sa kinauupuan niya at ngayon ay tumabi sakin.

Aba! Loko inihambing pa talaga ako sa tiger

"EXCUSE ME!? What did you say? Anong tiger sampalin kita dyan eh, all these time talaga tiger tingin mo sa'kin?!" Humarap ako sa kaniya at ginamit ang aking signature look, the "move and your dead"

"Biro lang ito naman, pero may nangyare ba? Halos mag tatatlong araw o gabi ba dapat? Na lagi ka nalang tulala, magsabunutan naman tayo mare!" Natawa nalang ako kasi ito ang unang beses na nagbabakla baklaan sya sa harap ko. Nagulat ako nang bigla niya talagang hinila buhok ko

"Isang hila mo pa sa buhok ko, Dale. Sinasabi ko sayo ihanda mo na paglilibingan" dahilan para umayos itong umupo sa tabi ko. Takot na tuta pala ang lokong 'to

"I'm sorry if I didn't talk to u that much for these past 3days(nights), I really don't want to talk about this to anyone. I feel ashamed, hurt and devastated a night before I came here while crying." Pagpapaliwanag ko sa kaniya, habang seryosong nakatingin lang sakin.

"Nagkita kami ng ex ko na niloko ako at nakabuntis ng ibang babae na talagang mahal niya naman. While me, wala akong ibang choice kun'di pakawalan sya dahil ayokong maging selfish dun sa magiging anak niya. Everyone deserves a happy and complete family at ayokong sirain yun pati ang magiging future ng mga magiging anak pa nila" nararamdaman kong namumuo na ang mga luha sa mga mata ko, and they are all started to flow down to my cheeks.

This is why I hate sharing what I feel to someone, kahit kay Brianna dahil panigurado mag aalala lang yun, she's been working so hard at ayokong maging burden sa kanya.

Nabigla nalang ako ng bigla niya akong niyakap, hindi ko maintindihan pero sobrang init ng mga yakap niya and... I feel like... I was safe in his arms.

We spent longer minutes in that position where he was just hugging me and comforting me.
While I was crying so hard, to let everything I hold on go.

Nararamdaman kong he was rubbing my back para mapatahan ako.

I after I feel calm and relieved, kumalas na ako sa pagkakayakap niya at inayos ang sarili ko. It feels like it was just a snap of a finger, lahat ng mga iniisip ko kanina pati ang mga nasabi sakin ni Presto, napalitan yun ng isang kakaibang ano.

Parang totoong tao ang yumakap sa'kin...
Pero ano nga ba sya..?
Sino nga ba si Dale?

"Akala ko magiging masaya ka at akala ko masaya ka, wala ka naman sanang ibang ginawa kun'di ang magmahal pero bakit ganun? Bakit ganto ka na naman?" hindi ko maintindihan kung ano bang ibig niyang sabihin.

"Anong ibig mong sabihin?" Humarap ako sa kaniya habang naguguluhan.

"Walang sinuman ang deserve na ganyanin, siguro kung makikita ko yang ex mo basag mukha niyan" natawa nalang akong bahagya sa nasabi niya. Tumingin ito sakin na may halong pagtataka.

The Man OF My Dream Season 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now