Chapter 16: Are We Fated To Meet?

272 17 3
                                    

Samantha's POV

Nakarating na kami ni manang Esmeralda sa peaceful life memorial park cemetery around 11 am, pumasok na kami sa loob ng memorial park, pagkatapos bumili ng kandila at bulaklak. Huminto kami  sa isang lapida (gravestone) na kung saan nakaukit ang buong pangalan ni Dale.


Nilinis ni manang Esmeralda ang lapida ni Dale at tinanggal ang mga alikabok na nakapatong dito.


Umupo ako sa tabi ng lapida niya na medyo naiiyak na, inilapag ko ang bulaklak na binili namin, at sinindihan naman na ni Manang Esmeralda ang kandilang binili namin.


"Kuya, kumusta ka na?
Ito nga pala si Samantha, parang anak ko na ang batang 'to, kinupkop na nila kami ng mga apo ko,
si Brianna kaibigan niya na parang kapatid narin sila  na apo naman sa yumao ko nang kaibigan. Sobrang babait ng  mga batang 'to, hindi nila kami tinuring na parang ibang tao"

nakangiting kinakausap ni manang Esmeralda ang lapida ng kapatid niya at namuo ang mga luha sa mga mata niya.

Niyakap ko ang balikat ni manang Esmeralda.

"Mahal ko, kumusta ka na ba diyan?
Gusto kong magalit sayo dahil hindi mo man lang nagawang magpaalam sa'kin.
Sobrang miss na miss na kita, Dale...
Hindi ko alam kung nasan ka na ngayon, pero sana nasa maayos ka." bulong ko sa hangin.


Kasabay ng pagdampi ng malamig na hangin sa mga pisngi ko ay kasabay nito ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko.


"Ano po ba ang ikinamatay niya?" Tanong ko kay manang Esmeralda

"Bata pa ako nung namatay sya, ang pagkakaalala ko at ang kwento ng nanay namin sa'kin, dapat magkakaanak na raw sana si Kuya at si ate Stella, na asawa ni kuya. Hindi ko namaalala ang mukha ni ate Stella pero sa alaala ko sobrang bait niya rin sa'kin.

Pero nakunan raw si Ate dahil sa bruha niyang nanay na pinapahirapan ang buhay nila Kuya, galit raw kasi ito sa desisyon ni ate Stella na sumama kay kuya at magpakasal na. Dahil nga dun sobrang pinahirapan ng nanay ni ate ang buhay nila.

At buntis si ate Stella sa magiging pamangkin ko sana, nung binuhusan ng langis ang buong sahig ng bahay nila ate, naliligo raw ng mga oras na umakyat ang nanay ni ate sa bahay nila.

Nung lumabas siya ay sobrang dulas ng kaniyang tsinelas na sinusuot sa loob ng bahay, dahilan para matumba ito at yun na nga nakunan siya.

Lumipas ang halos isang taon mula nung nakunan si ate Stella at namatay ang anak nila, sumugod uli ang nanay ni Ate Stella at pilit syang kinakaladkad ng nanay niya, para umuwi na sila sa bahay nila para punan ni ate Stella ang mga responsibilidad na dapat ginagawa ng nanay niya.

Dumating naman raw si kuya at sa mismong araw na iyon ay naisugod rin si ate Stella sa pagamutan, at dun nila nalaman na may kanser ito sa dugo, nung nagbubuntis si ate meron na pala talaga syang kanser nun hindi lang nila alam at hindi rin alam ni ate Stella, lumala ito at sa loob ng parehong taon na yun tumagal si ate Stella ng halos anim na buwan, hindi na nila naagapan agad dahil sobrang lala na talaga.

Namatay raw si ate Stella sa mismong kaarawan niya habang sabay nilang pinapanood ang paglubog ng araw kasama si kuya.

Dahil sa pagkamatay ni ate Stella, sinisi ng nanay ni ate Stella si kuya, naging magulo raw ang lahat at ipinapatay ng nanay ni ate Stella si kuya.

Hindi kasi matanggap ng loob ng nanay ni ate Stella ang nangyare, kahit naman talaga siya ang pangunahing dahilan ng lahat."

Tahimik akong nakikinig sa pagsasalaysay ni manang Esmeralda.

The Man OF My Dream Season 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now