Pagpili

44 1 0
                                    

PAGPILI


Isa, dalawa, tatlo...
Sino ang iyong iboboto
sa mga tumatakbong kandidato?
Siya ba ay makatao?
Mat'wid at may prinsipyo,
at may puso para sa bawat Pilipino.

Alam ang tama't mali
at di masisilaw sa limpak-limpak na salapi.
Pinunong 'di tiwali,
nang bayan ay 'di masadlak sa sawi.

Palaban at walang inuurungan.
Pinunong kayang ipagtanggol yaring Inang Bayan.
Buo ang loob at may panindigan
at kailan ma'y di tatalikdan
ang kanyang mga tinuran
sa harap ng taong bayan.

Apat, lima, anim...
Ako nga'y iyong tapatin!
Sigurado ka na ba diyan sayong pipiliin?
Pasensya na, ayaw ko lang na ang bayan nati'y malagay sa alanganin.
Ikaw ma'y 'di ito nanaisin,
kaya 'wag mo sanang masamain
kong aking sasambitin:
"Kandidato mo sana'y  iyong kilalanin.
Kakayahan niya'y alamin.
Plano niya'y suriin;
iyong timbangin kong mabuti ang kanyang hangarin."

Nasuri mo na ba ang iyong kandidato?
Tiningnan bawat angulo
kung siya'y nararapat sa inaasam na pwesto.

Pito, walo, siyam...
Pare-pareho tayo ng inaasam.
Iyon ay isang mahusay na pinuno ng bayan.
Kapwa tayo ngangarap ng magandang kinabukasan
at pinunong may mabuting kalooban.

Bagaman, iisa ang ating inaasam,
'di ibig sabihin noo'y pareho ang ating ihahalal.
Marahil ang kandidato mong napupusuan
ay may ginintuang katangian.
Na siyang maahon sa ating kinasasadlakan.

Ngunit pasensya na
kung siya'y aking di pinili.
Respeto mo'y aking hinihingi
kung magkaiba tayo ng napipisi.

Kaya't sa ikasampung bilang...
Tanggapin natin nang maluwag sa kalooban,
sapagkat iba't-iba ang ating pananaw.
May kanya-kanya tayong basehan,
kung bakit ang pinuno natin
ang karapat-dapat na mahalal.

Sana lang ay 'wag nagpagsisihan,
ang araw na siya'y ating sinuportahan,
ngunit sa huli pala'y tayo din ay iiwan.

Wakas

Kindly visit my yt channel
warriorMulan16 for more spoken word poetry 😊...

Thank you 😊❤️

Crashing Waves (POETRY)Where stories live. Discover now