UMPUKAN

27 0 0
                                    

UMPUKAN
by warriorMulan16

Mukhang ako na naman ang pinagpipyestahan
sa kanilang umpukan.
Ang mga tao nga naman
wala namang inambag sa aking buhay
ang hilig pang mangialanm.

Kesyo ganito... ganyan...
Lahat na lang ay bibigyan nila ng kahulugan.
Wala na akong ginawang tama sa kanilang harapan
Puro kapintasan at kamalian ang kanilang tinitingnan.
Gumawa man ako ng kabutihan
hahanap sila ng butas upang ako'y pulaan.

Gawain nila'y manira ng buhay;
gamit ang pinagtagni-tagni kwentong walang saysay.
Buhay ko ang paboritong pulutan
sa araw-araw nilang kwentuhan.

Bakit may mga taong ganito?
Mga taong mahilig manira ng ibang tao.
Mga taong 'di masaya sa tagumpay mo
kaya patuloy kang hatakin pababa ng mga ito.

Mga kwento nila ay may dagdag at bawas.
Hinabi nila gamit ang sarili nilang balangkas.
Buhay ko'y isang kwentong bibigyan nila ng wakas.
Di ko pa man nasisimula'y tinapos na nila ng wala sa oras
at ang tingin nila sa aki'y wala ng bukas.

Doon sila masaya.
Sino ba naman ako para kumontra?
Pero ito ang tatandaan nila...
hindi nila ako kaya.
Hindi nila ako mapapatumba
gamit ang mga kwento nilang walang kwenta.

Di sila ang sisira sa aking pangarap;
pundasyon ko'y hindi nila matitibag;
'di ko hahayaang masayang ang aking paghihirap
dahil sa kanilang panghahamak.

Sige lang tapakan n'yo ako.
Sige lang siraan n'yo 'ko.
Pero ito ang sinisiguro ko sa inyo;
darating ang oras na kakainin n'yo ang  mga sinabi n'yo.

Thank you for reading this poem 😊
Follow for more...

Crashing Waves (POETRY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon