PAHINGA

58 1 0
                                    

PAHINGA
by warriorMulan16

Alam kong pagod kana...
Bakit 'di ka muna magpahinga?
Kahit saglit lang... Sige na.

Pahinga ka lang...
'Di naman 'yan bawal.
Pahinga ka lang...
'di naman pagsuko ang ibig sabihin niyan.
Pahinga ka lang...
para may lakas ka sa panibagong laban.

Alam kong sa dibdib mo'y may nakadagan
mga dagok ng buhay na dumadaan.
Problemang animo'y aninong ayaw kang lubayan.

Sa gitna ng masalimuot na mundo.
Hindi pagsuko ang sagot sa mga problema mo.
Kailangan mo ng pahinga;
puso't isip mo'y saglit mong ikalma.
'Wag padalus-dalos sa'yong mga pasya.
Upang 'di pagsisihan ang resulta.

Pahinga ang 'yong kailangan.
Upang makapag-isip ng iyong susunod na hakbang.

Kaibigan, dibdib mo'y iyong tatagan.
Mga pagsubok ay lilipas din 'yan.
'Wag kang pagagapi bagkus ika'y lumaban.

Thanks for reading this poem😊

Crashing Waves (POETRY)Where stories live. Discover now