Ang Nakaraang nais Balikan

7 1 0
                                    

Ang Nakaraang nais Balikan
by warriorMulan16

Requested by Say Jae

Malayo ang aking tanaw
habang binabalikan ang masasayang araw.
Mga araw na ang pagmamahal mo'y nag-uumapaw.
Kay sarap lang balikan ng ngiti mong walang humpay
na siyang pumapawi sa aking lumbay.

Mga panahon na ako pa ang 'yong kapiling.
Mga panahon na ako pa ang tinitibok ng puso mo't damdamin.
Mga panahon na ang mga mata mo'y puno ng ng ningning habang nakatitig sa akin.

Mga araw na nag-aalab pa ang iyong pagmamahal
na sa bawat minuto'y iyong ipinaparamdam
kung gaano mo ako kamahal.

"Mahal na mahal kita" pang araw-araw mong lintanya
ngunit hindi na ako magsasawang tugonin ka—
ng salitang "Mahal din kita, aking sinta."
Hindi rin nawawala ang iyong paalaala:
"Mag-ingat ka papakasalan pa kita."

Hindi rin lilipas ang maghapon
na hindi mo ako tinatanong—
"Kumain ka na ba? Wag kang magpapalipas ng gutom."
Napaka-alalahanin mo ng mga panahong iyon.
Ngunit hindi ito naglaon,
ang dating nag-aalab na pagmamahal
ay unti-unti ng namamatay.
Nanlalamig na't ni sulyap ay hindi ako magawang tapunan.

Hanggang isang araw namalayan ko na lang na tuluyan ka ng nagbago—
malayo sa taong minahal ko.
Kung ituring mo ko'y isa nalang estranghero.
Hindi mo na nagawang magparamdam na animo'y walang tayo.

Muli na namang raragasa ang aking mga luha.
Magtatanong sa magpalarong tadhana
kung maisasalba pa ang pag-ibig na puno lamat at guna.
Kung maibabalik pa ang dating sigla;
ang saya nating dalawa.
May pag-asa pa nga ba?

Thank you for reading this piece 😊
Follow for more

Crashing Waves (POETRY)Where stories live. Discover now