Dakilang Manlililok

24 1 0
                                    

Dakilang Manlililok
by warriorMulan16

Kawangis n'yo po'y isang dakilang manlililok.
Na huhulma sa amin upang marating ang tuktok--
Tugatog ng tagumpay na nais naming matarok.

Nagsimula kami sa wala.
Kaya't kayo'y nagsumikap upang kami'y mahasa.
Upang sa lahat ng aspeto'y kami'y maging bihasa.

Kayo po ang nagsilbing tanglaw sa gitna ng kadiliman.
Nagbigay linaw sa gitna ng kalituhan.
Umakay sa amin noong oras na kami'y naliligaw.
Nagpanday ng daan
patungo sa aming tagumpay.

Salamat po aming guro.
Sa walang patid na pagtututo;
sa mga aral na siksik at puno.

Salamat po sa inyong gabay at pag-akay.
Sa mga oras na kami'y nahihirapan
kayo po'y palaging nariyan.
Salamat po dahil hindi kayo bumitaw.
Salamat po dahil hindi n'yo kami iniwan sa gitna ng kawalan.

Bagkus kami'y binusog ng mga aral
na magagamit namin sa mahabang paglalakbay.
Aral na magsisilbing sandata't kalasag sa laban ng buhay.

Pasasalamat nami'y walang hanggan,
sa guro naming minamahal.

Crashing Waves (POETRY)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora