MASALIMUOT KONG MUNDO

32 0 0
                                    

MASALIMUOT KONG MUNDO
warriorMulan16

Nakatayo ako sa gitna ng kawalan,
lugar na nababalot ng poot at kadiliman.
Lugar na kung saan daing at panaghoy ang na ngingibabaw.
Lugar na 'di mo nanaising masilayan.

Nagsimula ng sumimoy ang malamig na hangin.
Sinundan ng kakaibang tunog na 'di ko kayang watasin.
Mga huning animoy handa na akong lipulin.
Handa ng tuldukan itong mabigat kong pasanin.

Dibdib ko'y unti-unti ng nanikip.
Puso't usip ko'y puno ng hinanakit;
kailan ba matatapos itong mga paskit?
Iyan ang aking tanong sa bawat saglit.

Tanong na tila ba'y walang kasagutan.
Tanong na hanggang ngayon ay wala paring kalinawan.
Sapagkat buhay ko'y nababalot parin ng kadiliman;
at ang liwanag ay 'di ko parin nasisilayan.

Nag-umpisa na akong humakbang.
Tinahak ang madilim na daan--
Daan na puno ng pakikipagsapalaran;
daan na walang kasiguraduhan.

Ninais kong makaulagpos
sa lugar na puno ng takot at poot.
Takasan ang lugar na nababalot ng lungkot.
Kalimutan ang imahe nitong madilim na bangungot.
Magsimulang muli at nakaraa'y ibaon sa limot.

Nagpatuloy ako sa paghakbang;
umaasang tama itong tinatatahak na daan.
Umaasang sa dulo nito'y liwanag ang matatanaw.
Liwanag na nangangahulugan ng pag-asa't bagong buhay.
Liwanag na simbolo ng panibagong paglalakbay.

Crashing Waves (POETRY)Where stories live. Discover now