Pumaimbabaw Kababaihan

5 1 0
                                    

Pumaimbabaw Kababaihan
warriorMulan16

Huwag mong pansin ang maingay na mundo.
Magpagtuloy sa pag-ukit ng iyong pagkatao—
nanaaayon sa 'yong gusto;
nanaaayon kung paano mo ito plinado
at hindi sa kung ano ang idinidikta ng mga nakapaligid sayo.

Hindi ka palamuti sa lipunan
o di kaya'y porselanang pambahay.
Ika'y may angking lakas at talinong taglay.
Ito ang mag-aangat sayo upang sa kanila'y makipagsabayan.
Kahit babae ang iyong kasarian
kaya mong pumaimbabaw
upang iwagayway ang bandera na iyong kinabibilangan.

Hindi ka mahina—mali ang kanilang pananaw.
Wala silang karapatan na ang pagkatao mo'y yurakan.
Wala silang karapatan na maliitin ang iyong kakayahan.
Hindi porke't babae ang iyong kasarian
ay mahina ka't pwede ka na nilang tapak-tapakan.
Malakas ka! Kaya nga wala kang inuurungan.
Buong tapang mong haharapin lahat ng laban.
Hindi ka uuwing talunan,
sa ano mang aspeto'y ika'y makikipagtagisan.

Ulo mo'y itunghay,
bandera'y iyo ng iwagayway.
Buong lakas mong isigaw
na babae ka't buo ang iyong paninindigan.
Ano mang unos ay 'di mo tatalikuran,
buong lakas na susuungin ng walang agam-agam.

Thank you for reading this piece.

Visit my fb page @warriorM ( https://www.facebook.com/profile.php?id=100067745505211&mibextid=ZbWKwL )
and yt channel @warrior Mulan16

Crashing Waves (POETRY)Where stories live. Discover now