Nagsarang Kabanata

5 0 0
                                    

Nagsarang Kabanata
by warriorMulan16

Sasalubungin ko ang bagong taon na wala ka
sapagkat, nagsara na ang kabanata
na tayo'y magkasama.

Dumating na ang pahina;
ang pahina na wala ka na;
ang pahina na sisimulan ko, na ako nalang mag-isa.

Alam kong hindi ito magiging madali
sapagkat alaala mo'y namumutawi
sa bawat sandali.

Subalit wala na akong magagawa
hindi ka na maibabalik ng luha kong sagana.
Hindi ka na maibabalik ng mga palahaw kong puno ng pagluluksa.
Wala na akong magagawa...
kung ang tadhana na ang nag-adya.

Pipilitin kong bumangon
sa aking pagkakalugmok ako'y muling aahon.
Hindi maaaring habang buhay ako'y nakakulong
sa mapait na kahapon.

Pahina man natin na magkasama'y nagsara;
masasayang alaala naman nati'y hindi mabubura.
Babaunin ko ito sa panibagong pakikibaka;
ito'y maging kalasag ko't sandata sa mga susuungin kong gyera.
Kaya't wag kang mag-alala
sa puso ko'y naririto ka sa t'wina.

Saan man ako dalhin ng aking mga paa
mananatiling buhay ka sa aking mga alaala.
Masayang nakatanaw kung nasaan ka.

Thank for reading this poem.
Follow for more...

Crashing Waves (POETRY)Where stories live. Discover now