Inaasam na Tagumpay

15 0 0
                                    

Inaasam na Tagumpay
by warriorMulan16

Maraming baitang pa ang aking aakyatin.
Maraming pagsubok pa ang aking haharapin.
Maraming luha pa ang sa mata ko'y papalisin.
Ngunit kung aking lilingunin
masasabi kong malayo layo na ang aking narating.

Kaya't ako'y magpapatuloy
baon ang pangarap na nais matunton.
Hindi pagagapi sa mga hamon.
Sa bawat balakid ako'y babangon.
Nakangiting tutunghay at haharapin ang bawat alon.

Ang masalimuot na paglalakbay ay mayroon ding hangganan.
Hindi sa lahat ng oras ako'y luhaan.
Hindi sa lahat ng oras ako'y sugatan.
Paghihirap ko'y may katapusan.
Tagumpay ay akin ding makakamtan.

Thank you for reading this poem 😊
Follow for more

Crashing Waves (POETRY)Where stories live. Discover now