MAGTATAPOS AKO!

54 1 0
                                    

MAGTATAPOS AKO!
by warriorMulan16

Aking binagtas
salasalabat na landas
matinik, madulas
maduot at madawag.

Ngunit 'di patitibag
at 'di matitinag sa hamon ng buhay na ubod ng bigat.

Ako'y magpapatuloy
hindi hihinto datapwat ako'y sasabay sa daloy.
Dala ang sandatang sa aki'y tutulong.
Papel, tinta at aking dunong---
Dunong na pinanday ng maraming taon.

Nagsimula sa wala
salat  sa kaalaman at pang-unawa.
Ngunit isip ay pinanday at hinasa
kawangis ng isang sandata---
Sandatang isusuong sa gira.

Ngayon pa ba ako susuko?
Ngayon pa ba ako hihinto?
Kung kailan maraming luha na ang sa mata koy tumulo.
Kung kailan maraming puyat at pagod ang aking binuno.

Suot ang itim na toga;
bitbit ang plake ng diploma.
'yan ang inaasam ni ama't ina.
Kapalit ng dugo't pawis nila.
Kapalit ng puyat at pagod na kanilang sinabana.

'Di ko sila bibiguin
Hiling nila'y aking tutupdin.
Puyat at pagod nila'y papawiin
sa pagkamit ng kanilang mithin.

Crashing Waves (POETRY)Where stories live. Discover now