KIB 1

18.7K 450 172
                                    

Birthday Greetings

"Chaaaaaaaaai!"

"Ara.. A-aray! Aray! Aray!" Sunod sunod kong sigaw ng mahulog ako sa kama dahil sa malakas na sigaw ng ate kong si Kai. Pero di ko sya inaate, 2 years lang naman gap namin. At isa pa, ayaw nya rin namang tawagin ko syang ate.

"Oh? Anong ginagawa mo dyan? nanghuhuli ka ba ng palaka?" Nakangisi nyang tanong ng abutan nya akong nakadapa sa sahig -_-

"Tulungan mo kaya ako?" Sarkastiko kong sabi sa kanya. Tumawa muna ang gaga bago ako hinawakan sa braso at tinulungan sa pagtayo saka sabay kaming umupo sa kama.

"Puyat ka nanaman. Ano nanamang kagagahan ang ginawa mo hanggang madaling araw at ang laki nanaman ng eyebags mo aber? Hindi ka ba nagsasawa sa pinaggagagawa mo? Kaya ka loveless eh, puro ka wattpad!" Sermon nya.

Sus! Palagi nalang ganito. Tuwing umaga sinesermonan nya ako. Pero ayos lang. Hanggang sermon lang naman sya eh. At isa pa, makapagsalita naman ang babaeng to, porke may lablyp lang sya tss.

Hindi ako sumagot, bagkus ay nginitian ko lang sya saka ako dumapa sa kama ko at kinuha ung cellphone ko pero isinubsob ako sa unan ng mahadera kong kapatid kaya nabitawan ko ung cellphone ko. Ayts!

"Kai ano ba? Wag kang magulo at magmemessage lang ako ng goodmorning kay kib!" Suway ko sa kanya pero sinabunutan nya pa ako. Brutal talaga huhu..

"Tumigil ka nga sa kakakib mo! Kilala ka ba nyan ha? Pinapansin ka ba? Assuming ka rin eh!"

"Wag ka ngang nega! Panira ka ng umaga eh! Layas!" Itinulak ko sya.

"Ikaw! Masyado kang obsess dyan sa author na yan! Jusko chai! Tatanda ka na pero sinasabi ko sayo, hindi ka parin mapapansin nyang author mo na yan. Ni totoong pangalan nya nga hindi mo alam eh. Alam mo ba?" Tinaasan nya ako ng kilay habang nakapamewang pa.

Ngumuso naman ako saka ako napatingin sa cellphone ko. Kahit maseenzoned lang sana ako pero wala eh. Hmp. Ngumiti nalang ulit ako saka ako nagtype ng 'goodmorning kuya kib! Have a nice day!' Tapos nilingon ko si kai na nakatayo parin sa tapat ng pintuan ng kwarto ko.

"Bumangon ka na dyan chai, kumain na tayo. Matulog ka nalang ulit. Hindi maganda ung hindi nakakakain sa tamang oras. Okay?" Sabi nya saka lumabas ng kwarto ko.

Napabuntong hininga nalang ako saka ako bumangon pero bago ako lumabas ay tiningnan kong muli ung phone ko, nagbabakasakali akong maseen nya na ung message ko pero wala talaga. Siguro natabunan na agad sa sobrang dami ng mga nagmemessage sa kanya.

"Bangon na Chaaaaaaaaai!" Sigaw ulit ni Kai mula sa labas.

"Andyan naaaaa!" Sigaw ko pabalik.

Dumiretso muna ako sa banyo upang maghilamos ng mukha at magmumog saka ako tuluyang lumabas ng kwarto ko at naupo sa mesa kaharap si Kai na nakangiti.

"Ang saya mo yata?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman!" Ngumiti ulit sya saka sya yumuko at may pinulot sa ibaba then tumungo sya saka muling ngumiti sa akin. "Tadaaaa! Happy birthday chai!" Sigaw nya habang ibinibigay sa akin ang kanyang regalo.

Nanlaki naman ang mga mata ko saka ako nagtatakbo pabalik sa kwarto ko. I checked my calendar and it's confirmed! Birthday ko nga ngayon! Waaaaaaah! 19 na ako! Same age na kami ni kib!

"Hindi ka naniniwala?" Nakangiting tanong ni Kai.

"Kai! Birthday ko nga ngayon! 19 na ako!" Lumapit ako sa kanya saka ko tinanggap ung regalo nya sa akin. Tumawa naman sya saka nya hinila ung buhok ko.

"Oo! Birthday mo nga ngayon pero hindi mo manlang naalala? Seriously chai? Samantalang yang kib na yan hindi mo makalimutang batiin ng goodmorning sa umaga at goodnight sa gabi?" Hindi makapaniwalang sambit nya.

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now