KIB 3

6.4K 358 39
                                    

Warfreak Mode On

"Happy belated birthday Charity Lemuel!" Sigaw nila kaya nagtinginan sa amin ung mga tao. Watdapak!

"Have some decency guys! Wag nyo ng isigaw. I know that. Libre ko na nga kayo diba?" Umirap ako pero nagtawanan sila. Ang kakapal talaga ng mga mukha.

"Minsan lang naman to sa isang taon kaya dapat sinusulit!"

"Tse! Ang sabihin mo, mas makapag pa dito sa pinggan na to ung mga mukha nyo!"

"Ay? Nahiya kami sayo te?"

"Aba dapat lang no!" Pagsusungit ko saka ko inopen ung phone ko.

"Akin na nga yan!" Nagulat naman ako ng bigla nalang agawin ni Mel ung phone ko saka ipinasa kay trish. Ahh! Pashnea! Kaya ayaw na ayaw kong kasama ang mga ito eh!

"Bawal!" Awat naman ni Trish. "Akala ko ba magsasaya tayo? Bakit nakadikit nanaman ung mata mo sa cellphone mo?"

"Oo nga! Hoy babae! Gising na! Wapakels sayo si kibby mo! Di ka nya knows! Who you sa kanya." Gatong pa ni brando. Aish! Lecheng baklush ito.

"Tigilan mo ako brando--"

"Brenda hindi brando! Kadiri ka! You knows?" Tinaasan nya ako ng kilay.

"Ikinaganda mo?" I rolled my eyes.

"Hindi. Sinabi ko ba?"

"Pfft! Palibhasa alam mong chaka kang bading." Sabi ko habang nagtatawanan kami pero mas tumaas ang kilay nya.

"Excuse me lang ha! Madami kayang nagkakagusto sakin!" Pagmamalaki pa nya.

"Hindi ako aangal. Totoo naman yan." Sang ayon ni Mel nang matapos kaming magtawanan.

"Hindi ka kasi maganda. Pogi ka! Maraming nagkakagusto sayo, puro babae naman! Tinalo mo pa nga sa kagwapuhan itong tatlong ugok na to eh." Sabi naman ni trish habang itinuturo sila Jai, Larry at Austin na nakatingin sa aming apat.

"Hoy! Bat dinadamay mo nanaman kami?" Sabat ni jai. Ang aking pinsan na kaedad ko lang. Hindi rin naman lingid sa kaalaman nya ang pagiging wattpad addict ko at ang pagiging die hard fan ko kay kib. Isa pa yan eh, pag nagsama sila ni Kai sakit sa tainga.

"Di hamak naman na mas gwapo ako dyan kay brando--"

"Brenda nga sabi! Bakit ba ang kulit nyo?" Puno ng pagtitimping wika ni brando este, brenda pala.

"Brenda na kung brenda! Basta mas gwapo kami sayo!" Singhal ni Larry.

"Mas gwapo si kibby ko." Sabat ko kaya nagtinginan sila sa akin tapos nagsabay pa sila trish at Mel na batukan ako. Harsh! "Aray naman!" Reklamo ko habang hinihimas ung batok ko.

"You haven't seen him personally. Mas gwapo parin si brando--okay fine, brenda."

"Gwapo sya. Kahit anong mangyari gwapo sya at magpapakasal din kami soon! 19 na ako! Pwede na magpakasal." Sabi ko pero humagalpak sila ng tawa. "Mahiya naman kayo. Nasa fast food chain tayo." Napanguso ako. Nandito kasi kami sa mall ngayon, sa mcdo. Magmove on na daw ako kay kib, binilhan pa nila ako ng burger, ansaya -_-

"Oy chai, wag mo namang dungisan ang lahi natin." Komento ni jai.

"May sinasabi ka?" I rolled my eyes saka mabilis kong inagaw ung cellphone ko kay trish ng hindi na nya napansin.

I checked our conversation and guess what? Omg! INBOXZONED PARIN AKO.

Why?! Why?!

Tiningnan ko ung video na inupload ko. Madami ng likes, comments tapos may mga nagshare pa. Wow ah! Famous ni kapatid! Ay este, medyo ako pala ^_^

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now