KIB 19

2.6K 131 27
                                    

Sorry

Tiningnan ko ung mga reaksyon nila. Feeling ko maaambush ako. Ano ba to?

Sino sya?

Waaaah! Bakit may ganyan Kuya kib?

Is diz joke?

Nahack po ba account mo Kuya?

May iba yatang gumagamit ng account ni Kuya kib, bakit ang strange ng mga post nya? And who is @ChaiLemuel?

HAHAHAHA. Bakit ang sweet? Nagstalk ako sa Twitter ni ate girl, kibbaby din sya, am I next? OMG!

Ano to? Fan service? Mag eexpect na ba akong ako ung susunod?

What's happening?

Can someone enlighten me up? Anong nangyayari kay kuya kib?

Napatakip ako ng mukha. Jusme, eto na nga ba ang sinasabi ko eh.

Sari saring private message na rin ang natatanggap ko sa Twitter. Yung iba basher na. Whut?

Poser ka?

Magkakilala po ba kayo personally ni Kuya kib? Bakit po sya nagtweet ng ganon?

Panget mo. Assuming ka. Hindi ka maganda, napansin ka lang.

Ay eh? Panget na, hindi pa maganda. Grabe nag abala pa si ate. Kala mo naman maganda sya. Atleast ako napansin, eh ikaw?

Ugh! Gusto Kong replyan ang isang to pero kung magrereply ako, masyadong madami, tatamarin na ako.

Kinikilig ka na siguro ngayon ate. Swerte moooo! Kuya kib's cheering you up!

Kaano ano mo si Kuya kib?

Wag umasa te, nahacked po ung account ni Kuya kib.

Epal. Panira. Ibalik kita sa tyan ng nanay mo.

Feeling nya naman porke napansin sya magtutuloy tuloy na.

Kulang ka sa aruga. Punta ka sa mental.

How did you do it poooo? Omo! Gusto ko rin mapansin ni Kuya kib!

I didn't do anything, sadyang irresistible lang ako. Charr!

Poser ka siguro, or panget ka. Anime ba naman ang profile picture? Ikinakahiya ang mukha?

Papansin, kulang rin sa aruga ng nanay. Sundan mo ung isa sa mental.

Nagscroll nalang ako at hindi na nag open ng messages. Nakakaloka! Triggered sila. Buti nalang din at hindi ko totoong mukha ung picture ko sa twitter pero shocks! I'm sure sooner or later, maeexpose na ung real identity ko! Hindi yun malabong mangyari dahil one and only account ko to and followers ko dito mga friends ko and dito ko rin sila finollow. Nagtweet din kami about sa isa't isa. Wala na, pinish na. Hmp.

Dali dali kong tinawagan si kibby pero nakailang ring na, hindi parin sya sumasagot. Busy?

Nagtry pa akong tawagan sya pero tatlong beses na hindi nya parin nasasagot. Waaaaah! Why are you torturing me kibby ko?

"Magdedeactivate na ba ako ng mga accounts ko sa social media? Aaaaaah!" dumapa ako sa kama ko at nagpagulong gulong habang nagsisisigaw.

I can't believe this is happening to me, I mean, parang kailan lang noong nagpapapansin ako sa kanya and I keep demanding him to notice me tapos ngayon ganito na. OMG!

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now