KIB 9

4.3K 217 28
                                    

Friends

Sunod sunod ang naging dahilan ng kasiyahan ko dahil bukod sa napansin na ako ng idol ko, naghahanda na rin ako para sa darating na graduation ko. Nagpicture taking na kami kanina suot ang toga namin at sobrang overwhelming talaga ang mga pangyayari.

I've been through difficult challenges pero lahat ng yun nalagpasan ko bilang isang estudyante. Well? Panibago nanaman sa susunod pero handa naman akong harapin yun eh, handang handa ako.

"Congratulations Chubby! I'm so proud of you ❤"

Hindi ko nanaman mapigilan ang pagngiti ko ng mabasa ko ang tweet nya. Gusto kong magreply pero pinili ko nalang na magpasalamat through private message. Ayokong dagsain ng mga fans nya at ayokong makarinig o makabasa ng kahit na anong hindi magandang salita. Lalo pa't napupuno ngayon ng curiosity ang mga fans nya kung sino ba talaga ang tinutukoy nya sa mga tweets nya about sakin. Yes, madalas nagttweet sya tungkol sa akin, kahit sa Facebook status nya minsan, tungkol sa huling napag usapan namin o kahit na anong tungkol sa akin o sa amin.

For the past days that we've been chatting, naging close na talaga kami. Naging magkaibigan na talaga kami.

Yeah, ganun na nga. We're friends.

Kung dati sobra sobra akong kiligin? Ngayon, mas grabe pero natuto akong kontrolin ang sarili ko. Hindi na ako sumisigaw o gumagawa ng kahit na anong kabaliwan.  Nakakaproud sa sarili.

"Chai, Tara!"

"Ah sige, sunod na ako." Sagot ko saka ko inayos sarili ko at mabilis na humabol ako sa kanila.

Nagkayayaan kasi ang barkada since matagal tagal na rin ng huli kaming lumabas kaya eto, gala gala din pero ang pinagtataka ko lang, gabi na, saan naman kami gagala ng ganitong oras? Seven pm? Duh?

"Saan ba tayo pupunta ngayon?" Tanong ko.

Nagngitian naman silang lahat kaya napakunot ako ng noo.

May hindi ba ako alam?

"Oy, wag kayong mantrip ah. Saan nga tayo--?"

"--Sa bar!" Sagot nilang lahat sabay hila sa akin nila Mel.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat saka ko pinilit na hilahin pabalik ang aking braso subalit hindi ko magawa dahil dala dalawa silang humihila sa akin. Putcha, sinamaan ko ng tingin si jai ng magsalubong ang mga mata namin pero tanging pagngiti lang ang isinukli nya sa akin.

Napakagat ako sa aking mga labi ng bumaba na kami sa Van nila brando at mamataan ko na ang pangalan ng bar. Jusko!

"Tara na chai! Wag kang mag alala hindi tayo maglalasing! Puro naman tayo mga adults na kaya makakapasok tayo dyan at isa pa, magsasaya lang tayo!"

"Ha? T-Teka lang--brando!"

"Wag ka nang maarte, hindi ka naman pababayaan ni jai at isa pa, sya ang pasimuno nito kaya sya ang sisihin mo okay? Let's go guys! Party party!"

Napabuntong hininga ako saka ako nagpatianod sa kanila. Wala na rin naman akong magagawa eh, babatukan ko nalang si jai mamaya. Humanda sya sa akin, alam nya naman na hindi ako umiinom ng alak eh, sa aming magbabarkada kasi, ako ang pinakababa ang tolerance sa alcohol kaya ayaw na ayaw kong umiinom.

"J-Juice nalang sa akin, iced tea or orange juice okay na ako." Napangiwi ako ng magtinginan silang lahat sa akin ng sabihin ko ang order ko. "B-Bakit?"

"Kahit mild alcohol lang ayaw mo?" Tanong ni brando habang nakangiti.

Mabilis na umiling ako.

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now