KIB 8

4.4K 210 61
                                    

Closure

Siguro ako na ang pinakamasayang fangirl sa buong mundo. Well, para sa akin lang naman kasi marami dyan ang hindi lang napansin, some? From a simple fangirl, nagiging girlfriend. Mas matindi yun sa tulad kong makachat lang ang idol nya hindi ba?

Hays, kung ganun lang ba naman ang mangyayari sa akin, edi ang saya diba? Pwede na akong mamatay. Charot! Wag muna, aanakan pa ako ni kibby eh HAHA.

"Oi chai, okay ka lang? Kanina ka pa nakangiti ah!"

Nagulat ako ng bigla nalang may sumiko sa akin. Napalingon ako sa aking kanan at nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni trish.

"Anong meron? Alam naming okay na si ate kai pero hindi ka naman ganyan ngumiti kahit masaya ka tungkol sa pagiging okay ng kapatid mo ah!"

"Hoy! Ano namang gusto mong palabasin?"

"Wala naman." Nagkibit balikat sya saka nakipaghigh five kay brando. Psh.

"So, ano nga? Spill it!" Kinindatan naman ako ni Mel.

"Wala." Ngumisi ako saka ko ininom ung natitirang juice sa baso ko.

Mula paggising ko ganito na ako. Simula nung nakachat ko si kib kagabi, feeling ko naging komportable na sya sa akin. It was the best feeling I had, grabe, nag uumapaw ung sayang nararamdaman ko.

Nagbalik ako sa pagiging makulit. I greeted him again when I woke up this morning. The usual lang, tulad ng dati kong ginagawa na binabati sya ng goodmorning kada umaga at ang nakakatuwa, binati nya rin ako pabalik. Mas lalo tuloy akong naniwala na hindi ako nananaginip. Nagbackread pa nga ako to make sure everything's true eh. At syempre ng maconfirm ko, kinilig ako ng bongga.

"May boyfriend ka na ba?"

Nangunot ang noo ko ng marinig ko ang tanong ni jai. Dali dali akong napatingin sa kanya. Tutok ang mata nya sa daan pero nakakunot din ang noo nya.

"Ano bang klaseng tanong yan?"

Napanguso ako pero agad ding napangiti. Hays! Grabe talaga ang epekto sa akin ng lalaking yun! Magkakaheart attack na yata ako eh.

"Seryoso ako sa tanong ko chai. Palagi man kitang inaasar at sinisira ko man ang araw mo, hindi parin ako papayag na basta basta ka lang mapupunta sa kung sino sino."

"Wow ha! Kinilig ako dun." Inirapan ko sya.

"Tch! Bakit ba kasi ang saya saya mo? Lahat na ng pambbwisit ginawa namin ni Larry sayo pero walang epekto ah! Hindi ako sanay na palagi kang nakangiti at hindi nagsusungit!"

"Ano namang gusto mong mangyari?! Tumanda ang mukha ko dahil sa palaging nakakunot ang noo ko?! Grabe ka sakin!"

"Wag kang magpabebe. Nakakadiri ka. Panget ka pa naman."

Halos masamid naman ako sa sunod nyang sinabi. What the hell? Yung totoo, pinsan ko ba talaga to? Bakit ang harsh nya sa akin? Watdapak?

"Alam mo, magpasalamat ka talaga sa kibby ko dahil pinasasaya nya ako ng bongga ngayon, kundi--"

"Sus! Hindi ka naman pinapansin nyang kibby mo eh. What's to be happy about?"

"Duh? Pinansin nya na ako. Friends na kami!" Pagmamalaki ko.

"Oh talaga? Nainform mo ba sya na magkaibigan na kayo? Baka naman nag aassume ka nanaman chai ah, mahirap mabaliw."

"Hoy totoo nga! Magkachat kami kagabi! Kaya nga ako masaya dahil nagtweet pa sya about sa akin eh! Ang sama mo!"

Inis na napasandal ako sa upuan ko at nagcrossed arms. Sakto namang huminto ang kotse ni jai sa harap ng gate ng bahay namin ni Kai.

"O sige lang chai, mangarap ka pa. Dadamayan ka nalang namin kawawa ka naman eh." Ngumiti sya sa akin saka nya tinanggal ung seat belt nya. Bastos na lalaki!

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now