Special Chapter

2.4K 120 33
                                    

What it's like to be with you

Austin's POV

It's been a year since I lost her. The woman I've always been dreaming of. The woman I've always been waiting for to be mine kasi naniwala ako na pag naghintay ako, in time, magiging akin din sya.

But then awhile, napatunayan ko sa sarili ko na mali yun.

Waiting is indeed risky lalo kung hindi naman sya aware na naghihintay ka. Sana pala una palang nagpakita na ako ng motibo na hindi nya iisiping kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, edi sana.. Edi sana kahit papaano, nagkaroon ako ng tyansa.

Her name's Charity Lemuel.

But he calls her chubby.

His name's Casper Kyle Fernandez.

But she calls him kibby.

It has been a year, but I still long for her.

Nandito kami ngayon sa isang beach resort, isang linggo palang din ako dito sa pinas. Napakaironic na kung kailan nandito ako, magcecelebrate sila ng isang taon nila. Sakto rin naman na 2 weeks vacation ng dalawa naming flight attendant and nagfile ng 3 days leave sila jai kaya eto, kumpleto kami. Nandito rin si kai at terrence.

Lahat masaya.. Pero bat ako? Bat ako hindi?

Napasandal nalang ako sa upuan at tumingin sa kung saan, iniwas ko muna ang tingin ko sa kanila. Sakit sa mata eh.

"Lalim ng iniisip pre ah, ayos ka lang?"

Hindi ako sumagot. Kahit kailan talaga tong si larry, napakapanira ng momentum.

"Bat kasi hindi mo nalang shotain ung blondeng babae na nagkakagusto sayo sa ibang bansa? Kesa nagmumukmok ka dito, halatang broken na broken ka parin dahil kila chai at kyle."

I sighed deeply saka ko inabot ung bote ng beer sa tabi ko at uminom.

"Hindi naman yata tama yun pre, unfair yun para kay amirah."

"Unfair unfair, ikaw na rin nagsabi diba? Alam nyang may gusto kang iba pero ayos lang sa kanya. Willing pa nga syang tulungan kang makamove on eh. Tagal na rin pre, pinapahirapan mo sarili mo. Tingnan mo nga, saya saya nila. Unfair ka din sa sarili mo."

Sinundan ko naman ng tingin ung tinuturo nya at kita ko ngang nagbubulungan sila chai at kyle habang parehas na abot langit ang ngiti. Nakakainggit.

Naging malapit na sa barkada si kyle, naisapubliko na rin nila ung relasyon nila at kahit papaano, walang negatibong nagreact na mga fans nya. Kung meron man, marami rin nagtatanggol kay chai dahil san ka pa nga ba makakahanap ng babaeng katulad nya na bukod sa maganda, talentado pa at maalaga. She's blessed in so many ways. Kaya nga nagustuhan ko sya.

Muli kong tinungga ang bote ng beer. Napapikit naman ako ng gumuhit sa lalamunan ko ang pait nito.

"Kamusta ka naman bilang teacher?" Pag iiba ko ng usapan.

"Ayos lang, masaya. Pero wag mong ibahin, nagtuturo na ako. Hindi ako tanga." nagkibit balikat ito. Napaismid naman ako. Kahit kailan talaga.

"Nagtatanong lang."

Nang magdapit hapon ay naghanda ang mga kababaihan ng makakain samantalang kami naman ay inayos ang mga kakailanganin dahil gusto daw nila magbonfire. Okay na rin since magandang opportunity na din ito para makapagharap harap kaming lahat at magkwentuhan. Matagal tagal na rin kasi ng huli namin itong nagawa.

"Anong meron? Bakit hindi nagpapansinan ung dalawa?" usisa ko kay trish ng mapansin kong hindi nagkikibuan sila brando at mel. Sa pagkakaalam ko, madalang magkita yang dalawang yan ah, anong problema?

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now