KIB 11

4.3K 263 52
                                    

There's no turning back

Halos hindi ako mapakali ngayon sa kakaisip kung ano ba talaga ang mga bumabagabag sa akin. Simula ng naging ending ng pagchachat namin ni kibby 1 week ago, hindi na ulit kami nakapag usap pa.

Yes! 1 week! Nakapagpalusot na ako sa mga kaibigan kong chismosa and yet, wala pang nagiging kasunod ang usapan namin na yon.

Gusto ko syang ichat. Gusto ko syang kamustahin. Gusto kong itanong kung ano na bang nangyari sa kanya pero wala. Umuurong ako.

Hindi naman ako ganito dati.

I have a very thick face right? Pero asan na nga ba ung chai na sobrang kapal ng mukha? Yung chai na kulang nalang ipagsigawan sa buong mundo na isa syang fan ni KnightInBlack a.k.a kuya kib ng wattpad?

Jusko, nilamon na yata ako ng kahihiyang bumabalot sa katawan ko kung meron mang natitira pa.

Nagtataka rin naman ang mga kaibigan ko sa akin. Hindi ko kasi madalas na tinititigan ang screen ng phone ko nitong mga nakaraang araw. Kumbaga iniiwasan ko pa nga na mahawakan ito eh, para bang bigla ay nagkaroon ako ng allergy sa gadgets? Ganun eh.

Hindi rin naman kasi sya nagpaparamdam pero nakakapag Update sa wattpad. Kainis! Meron syang guts na mag announce sa wattpad ng kung ano mang sentiments nya samantalang wala syang guts na manguna manlang na kausapin ako? Nakakainis talaga. Don't tell me I should be the one to do the first move again? Pwede bang kahit ngayon lang, magpapaka dalagang pilipina muna ako? Enough muna kay Maria Ozawa okay? De joke lang.

Pero ugh! Titiisin ko muna sya okay?

Siguro naman ngayon, may karapatan na akong magpabebe since ramdam ko naman na hindi na ako iba sa kanya, na kahit papaano ay magkaibigan na kami.

Magkaibigan...

Damn! Why did I suddenly feel something weird inside me? Saying I'm just a friend is quite painful on my part. Weird talaga.

"Hayyy.." I sighed deeply.

"Huy!"

"Oh! Ikaw pala." Nakangiti kong nilingon si Austin na bigla nalang akong tinutulak ng mahina.

Nangunot ang kanyang noo.

"Bakit ang haba ng mukha mo? Diba dapat masaya ka lang kasi palapit na ang graduation natin!"

I pouted.

"Pwede bang sya nalang ang iregalo nyo sa akin?"

"Huh?"

"Eh! Nakakainis kasi sya! Hindi ko sya maintindihan! Minsan sweet na sya! Tapos biglang hindi magpaparamdam! Nakakainis!" Maktol ko.

Napatitig ako kay Austin ng mapansin ko ang gulat na gulat na expression sa kanyang mukha.

Napakagat ako sa aking labi.

Shit! Bakit ba kasi nahuhurimentado ako? Tanga mo chai!

"Ah eh.. austin--"

"Sino sya?"

I gulped.

"Wala--"

"Sino nga?"

"Wala nga!" Inis na wika ko sa kanya. "Wala. Sige, mauna na ako." Mabilis na dinampot ko ang aking bag at naglakad palayo.

Nakakainis kasi!

Pwede baaaaaa. Mainit ang ulo ko ha! Hindi ako masaya.

Mabilis na kinuha ko nalang sa bag ko ung cellphone ko. Mas maganda siguro kung yayain ko nalang sila mel na gumala kesa naman tumambay lang ako sa kung saan.

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ