KIB 6

4.4K 211 15
                                    

Kai

"Lawak ng ngiti natin ah." Komento ni jai habang magkaharap kami sa may balcony at umiinom ng kape. Halos sabay lang kaming lumabas ng kwarto, ako pa tuloy pinagtimpla ng kape tch! Pasalamat sya good mood ako ^_^

"Wala ka na don." Pang iisnob ko sa kanya pero nakangiti naman ako. Hays!

"Sus! Ano nga? Wag ka munang magsaya, di ka pa nga sigurado kung di ka bumagsak."

"Wag ka ngang panira ng umaga!" Inirapan ko sya. Panira talaga!

Tumawa naman sya saka nya inilapag sa mesa ung cellphone nya kaya kunot noo ko syang tinitigan.

"Anong gagawin ko dyan?" Tanong ko.

"Kainin mo. Masarap yan." Sarkastiko nyang sabi sa akin saka umirap.  Watdapak? Bakit ang gwapo nya tingnan kahit nakakabwisit sya?

Inirapan ko nalang din sya saka ko kinuha ung phone nya. Nagulat ako ng may mabasa ako dito kaya nanlalaki ang mga matang hinarap ko si jai.

"T-Totoo ba to?" Napalunok ako.

Ngumiti sya sa akin saka nya binawi ung cellphone nya.

"Oo. Pero wag kang umasa kasi hindi ka kasama. Kami lang, okay?" Ginulo nya ung buhok ko kaya napanguso ako.

Sabi kasi dun sa text sa kanya, pupunta daw sila sa pampangga next week! May 1 week break kasi kami kaya walang pasok tapos pupunta sila! Dapat kasama ako. Malay mo nandun si kibby ko diba tapos magkita kami! ^_^

"Sama ako! Si Larry nagtext sayo diba? Outing yan ng barkada. Wag kang epal." Pinandilatan ko sya.

"Outing ng barkada pero hindi ka kasama! Baka mamaya mawala ka pa eh. Knowing you, masyado kang obsess dyan sa kib na yan at alam kong taga dun yan, malay ba namin kung saan ka magsususuot para hanapin sya diba?"

"Ang sama ng ugali mo no? Hindi ikaw magdedesisyon!"

"Dito ka nalang. Hintayin mo nalang na dumating si kai." Ngumiti sya sa akin.

Napabusangot ako pero sa loob ko'y naghuhumiyaw na hindi ako maaaring maiwan. Aba! Kung hindi naman pala nya ako balak isama, sana hindi nya na pinabasa ung text diba?! Badtrip naman oh!

"Teka, bakit wala akong natanggap na text? Usually pag may lakad, lahat pinapadaanan ng mensahe ah. Ba't ako wala?" Tanong ko habang kinukutikot ung cellphone ko.

"Eh kasi nga po. HINDI KA KASAMA. Mahirap bang intindihin yon Ms. Charity Lemuel?" Ngumisi sya sa akin.

"BAKIT HINDI AKO KASAMA?!"

"Eh kasi nga po. Taga pampangga ung kibby mo. Malay ba namin kung mawala ka nalang bigla diba? Hindi pwede. Dito ka nalang."

"Hindi pwede yoooooon! Wag kayong madaya!"

Napanguso ako nang parang batang binelatan nya ako. Tch! Ang daya, chance ko na yun eh. Kala nyo huh? Sasama ako! Bwisit tong jai na to eh.

Pagkatapos namin maglunch, umalis muna si jai dahil tinawagan sya ng girlfriend nya. Tch! Nakikipagkita ang bruha at gustong gusto naman ni jai. Aba! Ayoko sa girlfriend nya, masyadong mataas ang kompyansa sa sarili. Hindi naman maganda.

Ako naman, since wala akong magawa at hindi naman ako yung tipo ng tao na mahilig lumabas. Pumasok nalang ako sa kwarto ko at nagmovie marathon. Mas maganda pa to ^_^

Hindi lang naman kasi wattpad ang pinagkakaabalahan ko madalas, usually, nanonood ako ng korean dramas ^_^

Buong maghapon hanggang gabi ay busy akong nakasandal sa headress ng kama ko habang nakatutok ang mga mata ko sa TV. Isinalpak ko kasi ung flash drive ko para hindi ako sa loptop nanonood, mas komportable sa TV eh.

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now