KIB 7

4.2K 227 99
                                    

Chubby

May 22 na ngayon. Higit isang linggo na mula ng maganap ang summer fest at sobrang nanghihinayang ako na hindi ako nakapunta pero masaya naman ako dahil gising na si kai at nakalabas na sya ng ospital, apat na araw na rin syang nandito sa bahay at nagpapahinga. Tapos na rin ang 1 week vacation namin kaya balik school na kami nila jai.

Simula ng magising si kai ay ganun na lang ang naging pagtataka nya sa mga kinikilos ko.

Bakit daw hindi ko hawak ang cellphone ko at bakit ni hindi ko manlang mabanggit ang pangalan ni kib? Well, isa lang ang sagot. I wanted to focus on her pero nagkikita balikat lang ako sa kanya.

I miss kib.

I miss wattpad and kdrama pero deym! Baka maadik nanaman ako ng sobra at makalimutan ko ang duty ko bilang isang kapatid!

"Chai.." nagulat ako ng may yumakap sa akin mula sa aking likuran.

Hindi ako gumalaw.

"Thank you sis! Sobra! Sabi sa akin ni jai sobra ka raw nagworry at sinisi mo ang sarili mo sa nangyari kaya pinaparusahan mo ang sarili mo ngayon, you've been keeping yourself away from the things you love. Wag ganun, it's okay naman eh."

I sighed then hinawakan ko ung braso nya na nakapulupot sa akin.

"Kai naman eh, you know me. Baka mamaya makalimot nanaman ako." I pouted.

"Sus!" Bumitiw sya saka sya umikot at umupo sa tabi ko then nangunot ang noo ko ng bigla syang may inabot sa akin.

"Ano to?" Tanong ko saka ko ito tinanggap.

"Open it!" She smiled.

Muli ay ngumuso ako saka ko ito binuksan pero nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang laman nito.

"Omyghad!" Sigaw ko saka ko nilingon si kai. I can't believe it!

"Happy?" Tanong nya. Tumango ako saka ko sya niyakap ng mahigpit.

"Super! Thank you kai!"

Ang laman lang naman ng box ay libro! Published book ng hell university and Damn! May pirma ni kib! May pirma! Fvck! Ang saya ko!

Napakagat ako sa labi ko. Dalawang linggo ng tahimik ang buhay ni kib mula sa akin. Ano kayang pinagkakaabalahan nun? Napansin nya kaya na hindi na ako nagmemessage sa kanya o hindi?

Malamang hindi. You're just a fan. Tch!

Napasimangot ako sa naisip ko.

"Pumasok kana sa kwarto mo at kulitin mo na ung kibby mo. Okay na ako, hindi naman ako agad babalik sa trabaho dahil binigyan ako ng isang buwang pahinga. Dali na chai, alam kong namiss mo ang mga kagagahan mo." Kinindatan nya ako.

Natawa naman ako saka ko sya ulit niyakap ng mahigpit bago ako nagtatakbo sa kwarto ko. Mabilis na kinuha ko ung cellphone ko at nanginginig na binuksan ko ung messenger ko.

Myghad! 2 weeks no visiting any social media accounts and wattpad! Kamusta kaya?

Halos malaglag ang panga ko ng pagbukas ko ng messenger ko ay sunod sunod na mensahe ang natanggap ko. Siguro eto pa ung dati pero ngayon lang dumadating.

Halos dumugo naman ang aking mga labi sa kakakagat ko ng makita kong nagmessage sakin si kib! Ghad! He's chatting me while I'm out! Ghad!

"Naghihintay ako ng chat mo pero wala. Hindi ka rin naman nagsabi, anong nangyari sayo?"

"Hindi ako sanay na hindi ka nangungulit. Nagsawa kana ba? Pasensya na kung hindi kita pinapansin, ang cute mo kasi."

"I hope you're okay, nakita ko ung post ng pinsan mo na nakatag sayo. Nasa ospital ka pala at binabantayan ung kapatid mo? Kaya pala hindi ka nagchachat."

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now