KIB 17

3.7K 161 79
                                    

Sa totoo lang, nakakainspire pala talaga magsulat pag nakakabasa ka ng good feedbacks. Ung kahit alam mong hindi ka ganun kagaling, madami paring nakakaappreciate sa gawa mo. Waaaaaah! Super kinikilig po ako sa inyo! Binabasa ko lahat ng mga comments nyo at messages na natatanggap ko. Open ako for friendship! Sana may maging close ako sa inyo haha. Hindi naman po ako snob promise! And I'm only 17 years old po, turning 18 palang on May. Haha. May mga tumatawag kasi sakin ng ate kahit yata older sa akin. Ilang taon na ba kayo? Hihi.. Love love love! 😊😘

______

You're mine

"Pero nangangako naman ako na kung may pagkakataon, pupuntahan parin kita. Kasi kahit ano namang mangyari, sayo parin ang bagsak ko."

Hindi ko alam kung ilang beses nagplay sa utak ko ang mga linya nyang yan.

Naalala ko pa tuloy kung paanong hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla--I mean, hindi kasi ako sanay sa pagiging vocal nya sa nararamdaman nya. Like hello? Ako lang kaya ung nasobrahan sa kapal ng mukha na tipong lahat ng nararamdaman ko sinasabi ko sa kanya kahit simpleng kilig lang. Gosh!

Ung mga titig nya kanina, nakakalusaw.

Pakiramdam ko nga biglang nabuhay sa pagkatao ko si zein shion at sya naman ang ace craige ko. Ang supremo ng buhay ko, ang nag iisang hari ng puso ko.

Walang man kami sa loob ng isang lugar na maihahalintulad sa istoryang naisulat nya, basta yun ung nararamdaman ko. At hindi ko yun kukwestyunin dahil maging ako ay hindi alam ang sagot.

Sabi nga nila..

Hindi naman lahat ng tanong may kasagutan. Yung iba, tanging pintig ng puso mo nalang ang nagbibigay katwiran at kaliwanagan sa isip mong naguguluhan.

Kahit nga hindi sya magsalita, I think the way he looked at me and hold me is enough for me not to question his feelings.

Pero sabi nga din nila..

Hindi rin naman sapat kung puro ka lang paramdam. Minsan kasi, salungat sa ipinaparamdam mo ang tunay na nilalaman ng puso mo at ang maaaring maging resulta lamang nito ay ang makasakit ka ng tao ng hindi mo namamalayan. Kaya mas maganda talaga na kung mahalaga sayo ang isang tao, ipaalam mo ito sa kanya at iparamdam ng sa gayon ay hindi sya magkaroon ng alinlangan o sa bandang huli ay masaktan.

Nakakaloka naman kasi ung ganun. Yung kung ituring ka nya ay prinsesa kaya akala mo may gusto na sya sayo tapos bigla malalaman mo nagkamali ka lang pala ng akala. Masakit kaya yon lalo na kung tuluyan ka ng nahulog sa mga simple yet sweet gestures nya na binigyan mo talaga ng malalim na kahulugan. Sino nagsasabing hindi yun masakit? Mygosh. Manhid lang makakapagsabi non or maybe, hindi marunong tumanggap sa sarili na nasasaktan.

Hays kibby, look what you've done to me. Dahil sayo, nagiging malawak ang page iisip ko. Nakakapagtaka lang talaga na minsan, napakaslow ko pero bakit pag nag iisa naman ako lahat ng naiisip ko puro may sense?

Wait, minsan nga lang talaga ako slow? Mygosh!

Natawa ako ng kaunti saka ko itinakip ung unan sa mukha ko.

Nakaalis na rin sya, hinatid ko sya kanina. Supposedly magpapasama ako kay kai na ihatid sya pero si terrence may gimik pala at nainggit yata kay kibby kaya ayun, sinurpresa nya din si kai at until now, magkasama parin sila.

Napabuntong hininga ako saka ko nilingon ung picture frame na bigay nya sakin. May picture na sya sa gitna. Ung picture namin ni kibby nung mismong gabing sinurpresa nya ako, Hindi ko alam kung kailan nya naipadevelop yon at inilagay sa frame. He's really good at surprising me.

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now