KIB 21

2.4K 130 19
                                    

Be my girl

Nadala ako ng nag uumapaw kong emosyon. Siguro dahil naroon na rin ung pag aalala na baka isang araw ay magbago sya.

May mga ganung scenario naman diba? Usually unexpected at napakasakit ng nga ganung pangyayari.

Nakakatakot.

"I love you Chai. Charity Lemuel. My one and only chubby." 

Napapikit ako at dinama ang malambot nyang labi sa aking noo.

I felt his sincerity, his care, and his love.

At dahil nga nadala ako ng sobrang emosyon, ni hindi ko na napigilan ang bibig kong sabihin ang kanina pang tumatakbo sa isipan ko at nararamdaman ko.

"I love you too. "

4 words to give back yet filled with grace of love.

"A-ano?" napahiwalay sya sa akin at tinitigan ako. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Wala sa plano yun ah, bat ko nasabi? "Look at me." he held my chin to face him up pero sa iba parin ako nakatingin. "Ibaling mo nga sakin ung mo, nahihiya ka parin ba sakin? Sa tinagal tagal hanggang ngayon nahihiya ka parin?"

Napanguso naman ako saka ko sya tinitigan.

"This is the second time we met, anong aasahan mo?"

"Reason ba yun?"

"Oo." ngumiti ako ng maiba ko ung usapan then hinawakan ko na sya sa kamay. "Nagugutom ako. Kanina pa ako hindi kumakain."

He smiled then pumasok ulit kaming dalawa sa loob. So ayun, lumabas kami sa Mall para maglandian ganon?

Ipinasuot nya na din sakin ung jacket nya, manipis daw kasi ung suot kong blouse kaya baka lamigin ako. Harot.

"Kailan ka uuwi?" tanong ko ng makaupo na kami matapos kami mag order ng pagkain.

"Bukas ng umaga." sagot nya.

"Agad? Bakit ang bilis?"

He shrugged. I pouted.

"Ni hindi mo nga sinabi sakin na may book signing event kayo eh, kung hindi pa dahil kay Mel hindi ko malalaman."

"Gusto ko kasing isurprise visit ka ulit." sagot nya.

"Surprise visit. Daming alam." pagsusungit ko.

"Seryoso." sabi nya naman. Napangiwi ako pero hindi ko rin mapigilang mapangiti at napansin nya yon dahil ngumiti din sya. "Kinikilig ka no?" pang aasar nya.

Bakit ang lakas ng trip nito?

"Hindi. Gutom lang." sagot ko saka ako tumingin sa iba. Mga ilang minuto pa kaya kasi ung order namin?

"Nagpapacute ka eh."

"Ako?" tinitigan ko sya. Luh? "Ako, n-nagpapacute? Duh? Why would I?"

"You're not cute, you're beautiful. That adjective suits you better." he winked at me.

Juskopooooo! Ung puso ko nalaglag na.

Napahilamos nalang ako ng mukha. "Kibby wag ka ngang ganyan."

"Bakit? Totoo naman. Bagay sayo ung adjective na yon, pero mas bagay ka sakin." Banat nya. Napakagat ako sa labi ko. Enebe! "Wag mo ng itanggi, kinikilig ka alam ko. Halata." pang aasar nya habang tumatawa. Bakit parang pati pagtawa nya nakakainlove?

Pumangalumbaba nalang ako sa mesa saka ko sya tinitigan habang nakangiti ako at nagulat akong ganun din ang ginawa nya. Pakshet!

"Stay. Wag kang maiilang." sabi nya. Feeling ko naman ako si Lee Sung Kyung tapos sya si Nam Joo Hyuk. Mygad! Weightlifting fairy ang datingan.

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now