KIB 25

2.9K 154 51
                                    

Sealed with a kiss

Nandito na kaming dalawa ngayon sa bahay, nakaharap sya ngayon sa TV at nanonood pero ako, kanina pa sya pinagmamasdan. I mean, kibbabies yung mga nandun eh. Paano? Hindi ba nila ako ibabash? Bat kakuntyaba nya? Paano nangyari yun?

"Tititigan mo nalang ba ako?" napabalikwas ako ng bigla syang tumingin at ngumiti.

"Huh? Uh.. W-wala." inilipat ko ang tingin ko sa TV pero dahil hindi ako matahimik ay hinarap ko sya ulit. Hinawakan ko din sya sa magkabilang pisngi at iniharap sa akin. "Paano? Ano yung nangyari kanina? Bat wala akong alam?" dere deretsong tanong ko.

Ngumiti naman sya saka nya kinuha ung kamay ko na nasa pisngi nya at marahang pinisil.

"Paano kita isusurprise kung alam mo na?"

"Pero paano?"

"Ganito yun.."

*Flashback*

(Kib's Point of view)

It's been months the last time I saw her. Kahit araw araw ko syang nakakachat, text or tawag. Iba parin kasi pag personal mong nakakausap ung taong mahal mo. Pwede mong hawakan, yakapin o halikan kung gugustuhin mo.

Sa totoo lang, ramdam ko na ung pagkabusy nya. Hindi nya na ako kinukulit katulad ng dati. Ako na nga yata ung makulit ngayon eh. Nakakatawa.

I miss her. Fvck I badly miss her.

Dumaan ung birthday nya, gustuhin ko man syang makasama ng araw na yun pero wala eh, malayo.

Kinausap ko si Nicky. Ipinagtapat ko sa kanya lahat about Chai and to my surprise, hindi na daw sya nagulat kasi halata sa akin. Ganun na ba ako kaobvious?

Of all admins in the group, kay Nicky ako naglakas ng loob na magpatulong, well, yun naman din ang rason kaya ako nag open sa kanya. Para maisagawa yung plano ko. Gustong gusto ko na kasing marinig ung dalawang letrang matagal ko nang hinihintay mula sa kanya.

"Oo"

Dalawang letra, pero pag narinig ko na yan mula sa kanya, hindi ko na alam kung paano ko pa pipigilan ang sarili kong magtatatalon sa tuwa. Fvck! Hindi naman ako bakla, pero bakit iniisip ko palang kinikilig na ako? What the hell?

Gumawa si Nicky ng ibang group aside sa official kibbabies group. Nung una, syempre dalawa lang kami ang nandun but then she posted sa official group kung sino sino ang mga taga manila especially ung malapit sa place na sinabi kong balak kong pagganapan. Lahat naman inadd nya sa secret group na ginawa namin at doon, I spilled everything. Kaya walang alam si Chai.

Meron lang sigurong less than 70 people ang sinali namin na sigurado and I asked them not to say anything and keep it confidential. I'm taking the risk of showing my face to them, my girl, my everything. That time, wala na akong ibang nasa isip kundi sya, at ang mapasagot sya.

Inexplain ko sa kanila ung gusto kong mangyari, I even posted chai's picture on the group. I'm just proud of her, I wanted to show her off cause she deserves it.

Habang palapit naman ng palapit ung mismong araw ay kinakabahan ako na natutuwa at naeexcite. Ewan. Hindi naman siguro ako uurong diba? Eto na eh, malapit na.

"Wala na talagaaaaaa, ang sakit lang na soon, magiging taken na officially si Kuya KIB huhu.. Pero support nalang. Mahal parin kita KIB. Mwuah."

"Let's just be thankful guys, atleast magiging part tayo ng araw na yun. Naeexcite na rin ako!"

"Kaya talaga nung nafollow palang ni Kuya KIB si ate Chai sa wattpad tsaka nagtweet sya na nakatag si ate Chai, nagdududa na ako eh. Binawi lang nya kasi. Hays. Pero ngayon, wala. Sila talaga. Hindi naman mashaket guys."

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now